Sapphira's POV
"Halatang patay na patay si Presi sayo a. Anong ginamit mong gamot? Pahingi ako, agawin ko sayo si Presi."
Inirapan ko si Erin dahil sa sinabi niya. Kasalukuyan ng nagsisimula ang laro at lamang na lamang kami. Pang-fourth game na at ang score ay 80-64. Natambakan na ang kalaban.
"Wala akong ginamot na gamot pre. Natural na ganda 'to." mayabang kong sagot.
Sumimangot siya sa akin. "Kapal mo. Sa ating dalawa, ako ang may pinakamaraming jowa."
Ngumisi ako. "Sa ating dalawa, ako ang pinakamaganda."
"Tangina, awit."
Natawa na lang kami bago binigyan ulit ng atensyon ang laro. Kasalukuyang na kay Levi ang bola kaya marami ang humarang dito. Pinasa nito ang bola kay Bryson na malapit lang sa kanya. Pumunta si Levi sa three-point area at sumunod naman si Bryson. Agad nito pinasa ang bola kay Levi nang sumenyas ito na ihagis ang bola sa kanya. Agad itong nasambot ni Levi at tinira sa ring at putek, boom pasok! Panis! Bebe ko yan!
Agad na naghiyawan ang mga estudyante dahilan kaya napatakip ako ng tenga. Tinignan ko si Levi at nakita ko siyang nakatingin sa akin. Nginitian ko siya pero nginisian lang ako nito bago kumindat. Namula ang buong mukha ko sa ginawa niya. Shit, ang gwapo mo naman po kuya!
"Tangina pre, ang gwapo kumindat ng jowa mo." komento ni Erin habang nakapokus pa rin ang tingin sa laro.
"I know right." mayabang kong sagot.
"Baka naman maireto mo ako sa pinsan mo o kaya naman sa mga kaibigan niya."
"Ulol. Ayoko."
"Tangina, ang damot mong hinayupak ka."
Agad na nabalik ang atensyon ko sa lato nang bigla na naman umirit ang mga estudyante. Nakapuntos pala ulit si Levi.
"Tangina Presi! Akin ka na lang!"
"Ang galing! Naol!"
"Sana ako na lang yung bola!"
"Sana ako na lang yung pawis ni Presi!"
Napasimangot ako sa naririnig ko. Ang wi-wild naman nila.
Thirty seconds na lang ang natitira at kasalukuyan na kay Levi ulit ang bola na tumatakbo palapit sa ring ng kalaban pero naharang siya kaya ibinato niya ito kay Vincent ng hindi lumilingon. Si Vincent naman ang napagdiskitahan ng kalaban dahil nasa kanya ang kaya pinasa niya ito kay Kuya Clarky— na kasali pala ang loko na nasa three-point. Nasambot nito ang bola at tinira sa ring. Pigil kami hininga habang tinitignan ang bola. Pero sa kasamaang palad, sala ito. Putek, nakakahiya si Kuya Clarky, ang bulok hindi ko pinsan yan!
Pero nagulat kaming lahat nang biglang nakuha ni Levi ang bola na hindi namin namalayan na nandoon pala at dinakdak ang ring. Agad na naghiyawan at nagsitayuan ang mga esyudyante kasabay ng pagtatapos ng oras habang ako naman ay nakamaang pa din at hindi makapaniwala sa nangyari. Fudge, ang gwapo dumakdak!
"Shit! Ang lakas ni Presi!"
"Si Presi lang malakas mga putangina niyo!"
"Fuck! President Levi! Ang hot mo po tumira!"
"Sana ako na lang yung ring!"
Napasinghap ako sa naririnig ako. Sana ako na lang yung ring? Gusto magpatira? Sa kalabaw kayo magpatira.
"Pre! Nanalo tayo!" Napatayo na din si Erin bago ako hinila patayo. "Ang galing ni papa Presi!"
BINABASA MO ANG
JUST A SNAP
RomanceThe President should be formal and serious. Well, not until he met this girl called 'Doctor Beauty.'