Chapter 46

79 1 0
                                    

Sapphira's POV

"Beach!" sigaw ni Savannah nang makarating kami sa resort na pinuntahan namin. Isang linggo kami dito dahil sa susunod na linggo, trabaho na naman. Sina Levi naman, sabi nila mamayang hapon daw sila pupunta dahil susupreshin daw nila ang iba. Walang ibang nakakaalam na pupunta sila dito kundi ako. Ngayon pa lang, natatawa na ako magiging itsura ng mga ito.

"Bitch?" parang tanga na saad ni Allilaine. Nakakunot ang noo na humarap si Savannah kay Allilaine.

"Beach!"

"Bitch?"

"Tangina mo! Beach nga!"

Natawa na lang kami nina Erin dahil sa dalawang ito.

"Tara na, punta tayo sa magiging kwarto natin." yaya ni Erallyn.

Dala-dala ang gamit namin na naglakad kami sa isang resthouse. Iginala ko ang tingin dito. Simple lang siya at ang bubungad agad sayo at hagdanan. Napapaligiran din ng balkon yung taas.

"Ganda!" namamanghang komento ni Erin. Napailing na lang ako bago naunang naglakad papunta sa resthouse na nirenta namin ng isang linggo.

Nang makapasok kami sa loob, bumungad sa amin ang malinis na sala, ang nasa likod nito ay kusina agad. Nasa kaliwang bahagi ng sala ang lamesa. Agad kaming naglakad kung nasaan ang mga kwarto. May nakita akong anim na kwarto, masyado marami para sa amin.

Nagkanya-kanya na kaming pili ng kwarto at pumasok doon. Pumasok ako sa napili kong kwarto at bumungad sa akin ay isang kama na may side table. May upuan sa tapat ng pintuan papuntang balkon. May telebisyon din at sa harap ng kama ay may carpet. May isang pinto din malapit sa pinto ng balkon na malamang ay  banyo. May cabinet din na maaaring paglagyan ng mga gamit. Kaya siguro marami ang kwarto, kasi iisa lang ang kama kada silid.

Kinuha ko ang mga gamit ko sa bag at inilagay sa cabinet na nandoon. Kumuha na rin ako ng damit at nagpalit. I wear white firaki long summer dress at isang sandals. Wala pa namin kaming balak maligo sa dagat kaya hindi muna ako nagsuot ng swimsuit. At isa pa, malalagot na naman ako kay Levi kapag nagsuot ako ng ganon.

Kinuha ko ang salamin ko at sinuot, pati na rin ang summer beach hat ko bago ako lumabas ng kwarto ko. Pumunta ako sa sala at nakita kong nandoon na rin ang iba at nakabihis na rin.

"Let's go?" Excited si Manang Erin o, mamaya maiinis ito pagdating ng asawa niyan.

"Let's take a picture!" sigaw ni Erallyn bago itinaas ang cellphone niya. Wala akong nagawa kundi makisama ang mga ito dahil kung hindi, masusura sa akin ang mga ito.

"Tara sa labas! Maghahanap ng jowa!" masayang sabi ni Allilaine. Natahimik kaming may mga karelasyon kaya napatingin sila sa amin.

"Pwede naman kayong sumama, pero layo kayo sa amin ng konti ha." saad ni Erallyn. Natawa na lang ako.

"Sasama ako!" saad ko bago naunang naglakad palabas ng resthouse.

"Hoy! Gaga ka! Mamura ka ni President!" sigaw sa akin ni Erin.

Tumawa na lang ako inimuwestra ang kamay. "Tara na! Isipin ko na lang na wala pa akong jowa!"

"Tangina mo Dianna! Kami mamumura ni Presi!" natatawang sigaw ni Savannah sa akin bago sumunod sa akin.

"Ako bahala sa inyo! Tara na! Tulungan ko pa kayo!"

Parang tangang sumunod sa amin Allilaine. "Jowa hunting!"

"Let's go baby!" masayang sigaw naman ni Erallyn bago sumunod sa amin.

Walang nagawa si Erin kundi sumunod sa amin. "Mga tangina kayo!"

JUST A SNAPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon