Sapphira's POV
Nagising ang diwa ko nang may naramdaman akong panaka-nakang halik sa mukha ko. Inilayo ko ang mukha nito sa akin at tinalikuran ito. Narinig ko pa ang tawa nito pero hindi ko yon pinansin. Pinagpatuloy ko ang pagtulog ko. Malapit na akong makatulog ulit nang may naramdaman akong pagyakap mula sa aking likuran at ang pagbaon ng mukha nito sa leeg ko.
"Good morning."
Namumungay ang mata na napamulat ako nang marinig ang boses ni Levi. Hinarap ko ito para kumpirmahin. Nanlaki ang mata ko nang makita si Levi na nakatingin sa akin ng may aliw. Napabalikwas ako ng bangon at tinignan ulit ito.
"Anong ginagawa mo dito?!" singhal ko dito pero napalibot ako sa paligid nang mapansin na iba ang disenyo ng kwarto. Mali pala ako ng tanong, anong ginagawa ko dito dapat. Napasapo ako ng noo nang maalala kong tinakwil ako ng pamilya ko, charot.
Naalala ko na lumipat ako sa unit ni Levi dahil parusa daw niya yon. Nah, whatever.
"Baby? Are you alright?" tanong ni Levi sa akin habang nakatukod ang isa niyang siko sa kama at nakakunot ang noo na nakatingin sa akin.
Tumango ako bago lumapit sa sakanya para halikan siya sa pisngi. "Good morning." bati ko nang mahalikan ko siya sa pisngi bago bumangon ng kama. Tinignan ko sa orasan na nasa side table. Alas-sais pa lang naman kaya may oras pa, mamayang alas-diyes pa ang pasok ko.
"Baby, anong oras ang pasok mo?" tanong ni Levi nang makabangon din ito.
Imunat-unat ako.
"Ten pa kaya may oras pa oara maghanda." sagot ko bago humikab. "I'm still sleepy."
Namumungay na pumasok ako sa banyo para maghilamos. Humihikab-hikab pa akong lumabas ng banyo at hinanap si Levi. Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa kusina. Nakita ko si Levi na naghahanda ng agahan. Inaantok na sumandal ako sa likod nito at niyakap kalaunan. Napatigil naman ito sa ginagawa at sinilip ako.
"Why don't you sleep again, Sapphira? I'll wake you up later." saad nito bago humarap sa akin at ipinulupot ang braso sa bewang para hindi ako matumba.
Umiling-iling ako.
"Nah, I can handle it. Talagang pagising-gising lang ako kagabi kaya inaantok pa rin ako. You know, home sick." sagot ko bago ngumiti sa kanya.
He chuckled then kissed my forehead and carried me towards the table. Iniupo niya ako sa lamesa at ikinulong ako doon sa pamamagitan ng pagsandal ng magkabilang kamay niya sa tabi ko. I looked at him then cutely smiled at him.
He grinned then kissed my forehead again. "You're dang cute baby. Stop that expression."
"What? I'm just smiling." I innocently answered then smiled at him again.
Natawa ulit siya bagi umayos ng tayo. "Come on. Let's eat." saad niya bago tumalikod para kuhanin ang mga niluto niya.
Bumaba na ako sa lamesa at umupo na ngayon sa upuan. Nakataas ang paa ko na pinanood ko si Levi na pinagsisilbihan ako. Ang gwapo naman ng katulong na 'to. Natawa ako sa isip ko, nababaliw na ako.
Nginitian ko ulit siya nang magtama ang tingin na namin. Nginitian niya rin ako bago umupo sa upuan na nasa harap ko.
"Ikaw? Anong oras ang pasok mo?" tanong ko dito nang malunok ko ang kinakain ko.
"None, I don't have any class today. The proffesors are preparing for our graduation."
Nalungkot ako. Ibig sabihin sabihin aalis na siya. Magsisimula na siyang magtrabaho habang ako maiiwan doon. Hindi ko na siya madalas makikita kasi busy siya sa trabaho niya.
BINABASA MO ANG
JUST A SNAP
RomanceThe President should be formal and serious. Well, not until he met this girl called 'Doctor Beauty.'