Chapter 24

79 2 0
                                    

Sapphira's POV

"Busy jowa mo?"

Ngumunguyang napatingin ako kay Kuya Clarky na kakapasok lang ng kusina. Nandito siya sa bahay namin para bisitahin si Kuya na kakadating lang galing ibang bansa kasama ang girlfriend nito, hindi ko alam kung bakit napaaga ang uwi niya. Mabuti na lang walang pasok ngayon kaya makakabawi kami ni Kuya noong panahong nasa ibang bansa siya. Si Levi naman ay nagtatrabaho sa kanyang kompanya ngayon. Marami siyang pagpupulong na gaganapin ngayong araw kaya ayoko siyang abalahin.

Tumango ako sa tanong niya. "Ayokong abalahin. Malamang stress na yon ngayon. Ikaw, bakit wala kang jowa?" sagot ko nang malunok ko ang kinakain ko.

"Gago." Lumapit ito sa akin at umupo sa upuang nasa tapat ko. "Bakit hindi mo tawagin?"

"Baka maisturbo ko. Huwag na lang." Nginisian ko siya. "Gusto mong makausap no?" nanunudyo kong saad dito.

Napangiwi siya at napahawak sa panga niyang sinapak ni Levi, lumiliit na naman ang pasa niya kaya pwede na ulit sapakin, charot.

"Tangina talaga si Jaxon. Sapakin ba naman ako?" reklamo nito habang hinihimas ang panga.

Natawa ako. "Tanga ka kasi, bakit mo ba hinalikan sa pisngi. Nagalit tuloy. Kung hindi ko pa inawat baka na ospital ka na ngayon."

"Kailangan kong gantihan ang hayop na yon." saad nito bago ngumisi at kinuha ang cellphone nita at may tinawagan.

Kumunot ang noo ko. "Anong gagawin mo?" tanong ko dito.

Hindi siya sumagot. Inimuwestra niya na lang na huwag akong maingay kaya nagkibit-balikat ako at pinagpatuloy ang pagkain.

"Pare." Napatingin ako kay Kuya Clarky nang magsalita ito. Mukha itong nagdadrama na naiiyak ito kasi sumisinghot-singhot pa ito kahit wala naman siyang sipon. Iniloud-speaker niya ang cellphone niya. "Pare, si Dianna."

"Why?" dinig kong tanong ni Levi nang mapagtanto kong siya yung tinawagan ni Kuya.

"Pare, si Dianna."

"What the hell happened?"

"Si Dianna, pare."

"What the fuck happened, Alcazar?!"

"Kasi pare, si Dianna—"

"Tell me what's happening you fucktard!"

Suminghot-singhot ulit si Kuya para magmukha talagang totoo.

"N-nabangga si Dianna pare."

Nawalan ng imik si Levi pero kalaunan ay nagsalita ulit.

"W-what?"

"Si Dianna pare, nabangga."

"What the fuck?! Where the fuck is she?!"

"W-wala na siya—"

"Tell me she's alive Clark! Tell me!"

Nagpigil ako ng tawa. Hindi ko alam kung maaawa ba ako kay Levi o ano. Parang tanga naman maghiganti si Kuya. Kasalukuyan pa rin nakikipagusap si Kuya Clarky kay Levi nang pumasok ng kusina si Kuya na mukhang inaantok pa.

"Morning—" Naputol ang sasabihin niya nang sumenyas kami ni Kuya Clarky na tumahimik siya. Kumunot naman ang noo nito at naglakad palapit sa akin para halikan ako sa noo. Naupo siya sa katabi kong upuan. "What's happening?"

Nagkibit-balikat ako. "Ewan ko kay Kuya Clarky. Naghihiganti daw kay Levi."

Mas lalong kumunot ang noo nito. "Who's this Levi?"

JUST A SNAPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon