Sapphira's POV
Nang makarating ako sa Dean's office ay kumatok agad ako. Pumasok agad ako nang marinig ang senyas ng punong guro sa akin.
"Take a seat Ms. Caltarana." saad ni Mrs. Perrera na agad ko naman sinunod.
"Ano po ba yung kailangan niyo sakin Ma'am?"
Umayos muna siya ng upo bago sumagot. "I gonna straight to the point Ms. Caltarana. I want you to help the Student Council Officers. Hindi nila kaya ang iaatang na resposibilidad na sa kanila sa darating sa intramurals. So I want you to help them dahil kapag natulungan mo sila, tutulungan naman nila ang mga estudyante na kasali sa Sports Club."
Nagtataka kong tinignan ang punong guro namin. Seriously?
"Ma'am, bakit po ako? Kailangan ko rin po kasing tulungan ang sports chairman ng classroom namin."
"Ikaw lang ang maaasahan ko when it comes to this matters. So, can I count on you?"
Napaisip naman ako. Kung tutulungan ko ang Student Council Officers, that's very big responsibility since tinutulungan ko ang sports chairman namin. But, this is for the sake of our school intramurals so I need to participate mas lalo na ngayon, principal na namin mismo ang nanghihingi ng pabor sa akin. Kakahiya naman kung tatanggihan ko.
"I'll do my best Ma'am." naisagot ko na lang.
Malapad siyang ngumiti sa akin. "Well then, I'm also expecting you on clinic in case of the emergency."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Ma'am! And dami naman po ata ng gagawin ko."
Grabe, wala awa ang Dean sa akin. Ibinigay na sa akin lahat!
Natawa naman siya sa reaksyon ko. "Hindi ka naman babansagan na 'Doctor Beauty' kung hindi ka magaling. Besides, baka kulangin tayo sa nurse and doctor, ang gagawin mo lang naman ang maglilibot ka sa iba't ibang laro at kapag may nangailangan ng tulong edi doon ka lang aaksyon. Kapag naman napagod ka, you can rest into the clinic. I will talk to your adviser about this matter."
Napasimangot ako sa sinabi ng punong guro sa akin. Anong 'Doctor Beauty'? Saan nanggaling ang salitang yon?
"Anong 'Doctor Beauty' Ma'am? Wala akong kaalam alam diyan." nakasimangot ko ring sabi dito. Mas lalo lang siyang natawa sa reaksyon ko.
"Anyways, I am counting on you Ms. Caltarana. Ngayong oras na ito naguusap ang mga officers kaya doon ka na dumiretso. You can go now. Thank you."
Lumabas na ako sa office ng Dean namin. Napasimangot ako nang maalala ang dami na gagawin ko sa intramurals. Dapat siguro di na ako pumayag.
Nang nasa tapat na ako ng pinto ng Student Council Office ay napabuntong hininga ako bago kumatok. May narinig ako senyas sa loob kalaunan kaya pumasok na ako. Nang makapasok ako ay bumungad sa akin ang mga pares ng mata ng mga officers. Nailang naman ako sa titig na pinakikita nila. Duh, ikaw kaya ang titigin ng maraming mata, di ka kaya mailang?
"Hmm, good morning po. Ako nga po pala yung nautusan ng principal na tutulong sa inyo." bati ko sa kanila pero ni isa sa kanila ay walang kumibo, lahat sila na tulalang nakatitig lang sa akin. Ngiting aso ang binigay ko sa kanila dahilan kung bakit nanlaki ang mga mata nila, napatayo pa ang iba partida.
"Pota! Sino kang nilalang?!"
"Miss, tao ka pa ba? Grabe naman ata ang ganda mo."
"Ateng saan ka galing? Ganda mo a. Sana all."
Naiilang ulit akong ngumiti sa kanila dahil nagtataka ako kung bakit nagkagulo sila. Ano bang nangyayari sa kanila?
"Miss, parang awa mo na! Huwag kang ngingiti!"
BINABASA MO ANG
JUST A SNAP
RomanceThe President should be formal and serious. Well, not until he met this girl called 'Doctor Beauty.'