Chapter 36

87 1 0
                                    

Sapphira's POV

Natigilan ako sa sinabi niya. Penthouse? Ibig sabihin hindi na siya doon nakatira sa dati niyang condo? Bakit?

Umiling-iling ako. "I insist. Sa condo ko tayo matutulog." I objected.

He smirked then looked at Lein. "Then no sleep over for you, princess."

"No!" Lein whined. I sighed.

"Kung sa inyo kami matutulog, kailangan pa namin umuwi sa bahay para kumuha ng gamit." Itinuro ko ang sentido ko. "Are you using your mind?"

"So what? I'll drive you home if that's the case." He looked at me then grinned at me. "Easy as piece of cake."

Matiim ko siyang tinignan. I probably know that he's teasing me but I'm not sure if he planned this.

Bumuga ako ng marahas ng hangin. "Alright." I answered.

His smirked grew then looked at Lein again. "Well then, I'll call your mommy later. I need to inform her."

Lein smiled widely. "Yes!" She looked at me. "Thank you momma!"

I smiled at her. "Anything for you, baby."

Pinagpatuloy namin ang pagkain bago umalis ng mall at dumiretso na sa aking unit. Kasalukuyan kong inaayos ang gamit ko nang biglang tumunog ang cellphone. Agad ko itong sinagot nang makitang si Kuya ang natawag.

"Yes, what is it?" tanong ko dito nang masagot ko ang tawag.

"Dianna, wala ka pa naman gagawin bukas diba?" tanong ni Kuya sa akin. Itinigil ko an pagaayos bago umupo sa kama. Nasa sala sina Jaxon at inaalagaan ang dalawang bata.

"Yes, pero baka magkameron ng emergency sa hospital bukas. Bakit?"

"That's good. Gabi kasi kami makakarating ng Maynila ni Alyssa. Okay lang ba na kuhanin namin si Leira diyan sa susunod na araw?"

Kumunot ako ang noo ko. "Kuya, I have work the day after tomorrow--"

"I know, I'll fetch her early in the morning. Talagang gabing-gabi na kami makakarating ng Maynila bukas."

Napabuntong-hininga ako. "Alright." I answered. "But, kapag hindi mo agad siya kinuha sa umaga. Ihahabilin ko siya sa iba."

"Kanino mo ihahabilin luka kang babae ka! Mapagkakatiwalaan ba yan?! Ha?!"

Natawa ako. "Kaya kung ako sayo, sumunod ka sa usapan. Malay mo iyon na pala ang huling kita mo sa anak mo."

"Hayop ka! Oo na! Kukuhanin ko siya pagkarating na pagkarating namin ng Maynila!"

Mas lalo akong natawa. "Okay! Ingat!"

Hindi siya sumagot at binabaan lang ako ng tawag kaya humagalapak na ako ng tawa. Natigil lang namang bumukas ang pintuan at sumilip doon si Jaxon.

"Why the fuck are you laughing?" kunot noong tanong nito sa akin. Nagkibit-balikat ako bago tumayo at sinarado na bag kung saan naglalaman ng damit namin ni Leira.

"Wala naman." Binuhat ko na ang bag ko bago naglakad papunta sa pinto. "Tara na."

Kinuha niya sa akin yung bag bago bumalik sa sala at nakasunod lang ako sa kanya. Binuhat ko si Leira na nakadapa sa sahig bago hinawakan ang kamay ni Lein at iginaya palabas ng unit ko.

"Jade agreed, as long as I'll take care of Lein." saad ni Jaxon nang napaandar na niya ang kotse niya. Napatingin ako dito.

"Paano ang mga damit ni Lein?" tanong ko dito.

JUST A SNAPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon