Sapphira's POV
Nagising ako nang may narinig akong kumakatok sa pinto ko. Bumangon ako at kinusot-kusot ang mata ko bago kinuha ang roba ko.Tinignan ko ang orasan at napamura ako nang makitang alas-singko pa lang ng umaga. Tumayo ako at lumabas ng kwarto para tignan kung sino yung putanginang nangbubulabog sa napakasarap kong tulog.
"Bakit?" kunot-noong tanong ko kay Kuya nang makitang ito pala ang nambubulabog. Kasama niya ang asawan niyang si Ate Alyssa, pati na rin si Leira.
"Pwede papasukin mo muna kami?" balik na tanong nito. Inirapan ko ito bago nilakihan ang pagkakabukas ng pinto. Naglakad ako sa isang sofa at umupo doon, umupo naman ang pamilya sa mahabang sofa.
"Ano yon?" tanong ko ulit habang nakahalukipkip at magkapatong ang dalawang hita.
"Baka naman pwedeng sayo muna si Leira?" tanong ni Kuya.
Kumunot ang noo ko. "Bakit?"
"May pupuntahan lang kaming kasal ni Alyssa at sa Cebu pa yon, hindi pa namin pinapayagan magbyahe ng matagal si Leira." sagot ni Kuya.
"Bakit hindi kay na Papa? Nasaan ba sila?" tanong ko bago kinarga si Leira na kanina pa gustong magpabuhat sa akin. Ikinandong ko ito.
"Pupunta silang Batangas ngayon kaya hindi ko alam kung kanino ko ihahabilin yan. May pupuntahan ka ba ngayon?"
Humikab ako. "Wala naman, sa susunod na araw pa ang pasok kaya pwede siya sa akin ngayon." sagot ko habang mahinang kinukurot-kurot ang pisngi ni Leira.
"Uuwi din naman kami bukas, Dianna." nakangiting saad ni Ate Alyssa. Nginitian ko ito.
"Sure." Tinignan ko ang pamangkin ko bago nanggigigil na hinalikan ito sa pisngi. "Bonding tayo ni Tita Ninang, baby!" Natawa ito kaya natawa rin ako.
"Oh siya, aalis na kami. Mahaba-haba pa ang byahe namin." saad ni Kuya bago tumayo at ibinigay sa akin ang isang bag. "Mga gamit yan ng prinsesa ko at oo. Hindi na kita prinsesa, hanap ka na lang ng ituturing kang prinsesa."
Tinignan ko ng masama si Kuya. "Gusto mo hindi ko alagaan ang prinsesa mo?"
"Asa naman na gawin mo yon, pamangkin mo yan." natatawang sagot ni Kuya. Tinignan ko si Ate Alyssa.
"Ate oh, bully si Kuya." sumbong ko. Agad naman kinutusan ni Ate si Kuya kaya natawa ako.
"Gian, wag kang bully. Umalis na tayo." saad ni Ate bago tumingin sa amin. "Aalis na kami, Dianna. Magiingat kayo dito."
"Sure. Kayo din."
Lumabas na sila ng unit ko kaya naiwan kami ni Leira na gising na gising pa rin ang diwa. Napabuntong-hininga ako. Hindi ko na ata matutuloy ang tulog ko.
"Baby, are you hungry?" nakangiti kong tanong kay Leira. Hindi ito sumagot at nginitian lang ako. Kinarga ko ito bago tumayo at pumasok sa kwarto. Nilapag ko ang bag ni Leira sa upuan na nasa vanity table ko. Inilapag ko si Leira sa kama bago tinignan ang oras.
Maaga pa naman kaya sinubukan kong patulugin si Leira at nagtagumpay naman ako. Hinarangan ko ito ng maraming unan para baka sakaling maglikot ito ay hindi ito mahuhulog sa kama. Maggi-gym sana ako pero hindi ko pwedeng iwan si Leira.
Pumasok ako sa banyo at naghilamos bago nagpalit ng sports wear, sports bra and leggings. Nagsuot muna ako ng sapatos bago lumabas ng balkon, dala-dala ang exercise mat.
Nagsimula na akong mag-exercise at natapos ako magtatatlongpu't minuto pa lang. Pumasok na bago itinago ang exercise mat sa closet ko. Tinignan ko muna si Leira at nang makitang tulog na tulog pa ito ay napangiti ako bago pumasok sa banyo para maligo.
BINABASA MO ANG
JUST A SNAP
RomanceThe President should be formal and serious. Well, not until he met this girl called 'Doctor Beauty.'