Sapphira's POV
Four months.
Apat na buwan na ang nakalipas nang magsimulang manligaw si Levi at hanggang ngayon at hindi ko pa rin siya sinasagot, wala pa akong gana na sagutin siya. Sina Mama naman ay nasa Batangas pa rin at didiretso daw sila papuntang America dahil may bonding pa daw sila ni Tita Liandra. Napapailing na lang ako kina Mama, magbobonding lang kailangan sa America pa? Kasalukuyan pa rin akong nakatira sa condo ni Erin dahil hindi ako hayaan ni Papa na mamalagi sa bahay ng mag-isa.
Kasalukuyan ako nakaupo sa kama ng kwarto ko at nagbabasa sa cellphone ko habang may subong lollipop. Napapakunot ako ng noo kapag may nababasa akong hindi mawari.
"Sabi kanina ang birthday ay sa 25 tapos ngayon naging 15? Awit typo." kausap ko sa sarili ko bago sinipsip ang lollipop ko. Napatingin ako sa pinto ko nang bigla itong bumukas. "Oh pre, anong atin?"
Nagpupuyos na napabuntong-hininga si Erin. "Jowa mo nandito." sagot niya. Kumunot ang noo ko.
"Wala akong jowa pre. Ikaw ang meron."
"Sana nga meron e pero wala rin ako." sagot niya kaya natawa kami. "Nandiyan ang manliligaw mo. Itatanan ka na ata."
"Ulol gago."
"Gago ka rin." Lumabas na siya ng kwarto kaya nag-ayos na lang ako bago lumabas ng kwarto habang may subo pa rin na lollipop. Nakita ko si Levi na prente lang nakaupo sa sofa habang nakahalukipkip.
"Hoy Levi, anong atin?" Napatingin ito sa akin nang magsalita ako. Sumenyas siya sa akin na lumapit ako sa kanya kaya napabuntong-hininga ako bago lumapit sa kanya at umupo sa tabi niya. Agad nitong pinulupot ang braso sa bewang ko. Pansin ko lang, ang hilig niyang ipulupot ang braso niya sa aking bewang, tuko ka girl? O linta? Haha, gwapong linta mo po kuya.
"I want to visit you." sagot niya bago napabuntong-hininga. Tinitignan ko lang ang bawat reaksiyon niya habang may subo pa rin na lollipop.
"Ayos ka lang? Galit ka ba?" tanong ko.
"No. I just need to cool down."
Kumunot ang noo ko. "Bakit? May nangyari ba?"
Tinignan niya ako. "Promise me you won't get mad at me."
"Bakit naman ako magagalit?"
"Baka kasi magselos ka."
Pinukol ko siya ng masamang tingin bago binatukan. "Assumerong gago." saad ko pero tumawa lang siya. "Ano ba kasi yon?"
Bumuntong-hininga siya bago tumingin na lang sa harapan pero hinapit niya ulit ako palapit sa kanya. "My sister said something to me and my mother as well."
"Ano yun?" tanong ko habang tinititigan siya. Ang sarap kasi titigan, hindi nakakasawa.
Tinignan niya ulit ako. "Sabi ng kapatid ko, meron daw siyang gustong babae para sa akin. Same as my mother."
I stilled. "W-what?"
"My sister doesn't want to tell me who she is and my mother as well. They told me to figured it out by myself. That time, I was like. What the fucking fuck? Are they have the same mind?"
Nang mapantanto ko ang sinasabi niya ay tumawa ako ng malakas. Like shit, alam kong ako sa tinutukoy ni Jade pero yung Mama niya? Ewan, baka iba yon, awit.
Hindi ako sumagot, tumawa lang ako bago sinupsop ang lollipop. Napansin ko na pinanonood niya lang ang pagsupsop ko kaya sinampal ko ang pisngi niya. Mukhang nagulat naman ito dahil napasapo ito sa pisngi niya.
BINABASA MO ANG
JUST A SNAP
RomanceThe President should be formal and serious. Well, not until he met this girl called 'Doctor Beauty.'