Chapter 30

75 3 0
                                    

Sapphira's POV

Hindi ko alam kung ilang oras na kami naglilibot sa mall pero hanggang ngayon wala pa rin kaming mabiling regalo kay Levi. Napagpasyahan na lang namin na habang naghahanap kami ng regalo kay Levi ay naghahanap na rin kami ng materyales para sa supresang gaganapin.

"Hay, ilang oras na tayong naglilibot pero wala pa rin tayong mabiking regalo para kay Jaxon." saad ni Allilaine nang makaupo kami dito sa loob ng restaurant.

Naisip namin na kumain muna nago maglibot ulit para humanap ng maaaring iregalo kay Levi.

"Pati tuloy ako napapaisip din kung ano pa bang wala si President." nakasimangot na saad ni Erallyn.

"Sinabi ko na sa inyo e, anak na lang ang ibigay." sabat naman ni Erin.

Tinignan ko ito ng masama.

"Gusto mo ipabuntis kita sa iba?" banta ko rito.

"Gusto mo buntisin ka ni Presi?"

"Hayop ka talaga Erin."

Umiling-iling ako. Ngumisi siya sa akin.

"Mahal mo naman."

"Saang banda kita mahal?"

"Sa mukha syempre, sa ganda kong ito."

"Hindi ko makita ang gandang sinasabi mo."

Natawa na lang kaming lahat sa sobrang ingay namin.

"Bakit hindi na lang singsing ang ibigay mo kay Jaxon?"

Napatingin kaming lahat kay Savannah nang magsalita ito.

"Singsing?"

"Bakit singsing?"

"Bakit hindi singsing?"

"Gusto mo gawin kitang singsing?"

"No thanks, I'm more beautiful than rings."

"Pero seryoso, para sa akin magandang regalo ang singsing." saad ni Allilaine.

"Agree, just like a promise ring." saad din ni Erallyn.

Napatingin kami kay Erin na iniintay ang kanyang opinyon.

"What? You need my opinion?" Tumango kaming lahat. Napaisip ito. "Hmm, maganda rin naman kung singsing."

"Then it settled. Singsing na lang ako ibibigay ko." masayang kong saad sa kanila.

"Yeah right, kumain na tayo kasi mamaya susunduin na si Dianna ng jowa niya. Kailangan natin magmadali kasi magaalas-singko na." saad ni Savannah.

Natawa na lamg kaming lahat bago napagpasyahang pumili ng maaaring kainin.

●○○○●

"Mas maganda itong walang design, bagay sa lalaki."

Napatingin ako sa tinitignan ni Erallyn. It's a silver polished matte ring. Mukhang babagay talaga sa lalaki dahil simple lang ang dating. May kapares ito kaya kukunin ko rin yon.

"Maganda yan. Iyan na lang kukunin ko." Tumingin ako sa staff na naghihintay sa amin. "Kukunin na namin ito."

"Ma'am, pwede niyo pong ipa-costumize yung mga singsing kung gusto niyo po."

Tumingin ako sa kasama ko.

"What do you think?"

"Mas maganda kung ipapa-constumize." komento ni Savannah.

JUST A SNAPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon