Sapphira's POV
Pare-parehas kaming lima na babae na nakaupo sa isang bench at nakayuko habang nakapalibot sa amin ang lahat ng lalaki, kasama na si Asher na hanggang ngayon ay dumadaing pa din sa sakit ng kanyang panga.
"So, care to tell us what the fuck is happening?" tanong ni Vincent sa amin.
Hindi kami sumagot. Nananatili kaming nakayuko at walang balak na magsalita.
"Ano bang nangyari? Bakit bigla na lang sinuntok ni Jaxon si Asher?"
"Hindi yan ang magandang tanong pare."
"E ano?"
"Ano pa ba? Edi yung bakit nilapitan ni Dianna si pareng Asher."
"Kawawa naman ang mukha ni pareng Asher, isang suntok lang may pasa agad. Sensitive ampota."
"Isang awit para sayo pareng Asher."
"Tumahimik nga kayo mga gago!"
"That's enough." malamig na saad ni Levi dahilan kaya mas lalo akong yumuko. Ramdam ko yung malalim na titig sa akin ni Levi. "Sapphira." Napapitlag ako nang tawagin niya ako pero hindi ako nagpadala. Nakakatakot itsura ni Levi pero gwapo pa rin, unfair no? "Sapphira, look at me if you don't want me to fucking kiss you senseless."
Nanlalaki ang mata na napatingin ako sa kanya. "B-bakit ako? Hindi ako ang nagpasimuno nito."
Tinaasan ako nito ng kilay habang nakahalukipkip. "Yeah right, you're the one who approached Ricero. You think I believe that?"
Masama ko itong tinignan. "Bakit ako ang may kasalanan?" Tinuro ko yung apat na babaeng nakayuko. "Tanungin mo rin kaya sila!"
"Hoy!"
Napatingin kami kay Asher na nanlalaki ang mata na nakaturo kay Erin na nakangisi na ngayon habang nakatingin kay Asher.
"Bakit pare?" tanong ni Carter.
"Siya yon! Yung inaasar ko noong isang linggo!" sagot ni Asher bago sinamaan ng tingin si Erin. "Hoy ikaw! Ikaw ang may pasimuno nito no?"
Nagkibit-balikat si Erin. "Wala akong alam diyan."
Magsasalita na sana si Asher nang biglang sumabat si Erallyn. "Hep! Tama na yan! Kami talaga ang may kasalanan."
Kumunot ang noo ni Levi. "Explain." Tumingin ito sa akin. "Come here, Sapphira."
Tinaasan ko ito ng kilay bago humalukipkip. "At bakit? Bati ba tayo?"
Bumuntong-hininga ito naglakad palapit sa akin at hinila ako patayo bago ako hinapit sa bewang. Napasimangot ako. Bossy amp.
Binalik ni Levi ang tingin niya kay na Erallyn. "Explain it now."
"Okay okay." Tinaas ni Erallyn ang dalawang kamay na parang sumusuko pero binaba niya ulit kalaunan. "We planned to take a revenge to Asher."
"Ha? Bakit?" sabat naman ni Bryson.
"Ay, alam ko na ang nangyayari." nakangising saad naman ni Carter.
"Baka naman may ginawang kababalaghan si Asher sa mga ito." sabat naman ni Kuya Clarky na walang reaksyon noong hinalikan ako ng kulugong nakapulupot sa akin.
Napasimangot si Asher. "Wala kaya."
"Wala ako noong panahon na yon kaya wala akong sasabihin." saad naman ni Tyler. Natawa ako pero tinignan ako ng masama ni Levi kaya napasimangot ako.
BINABASA MO ANG
JUST A SNAP
RomantizmThe President should be formal and serious. Well, not until he met this girl called 'Doctor Beauty.'