Chapter 26

76 2 0
                                    

Sapphira's POV

"What the hell are you saying?!" nakakunot ang noo na bulyaw ko dito. Nandito pa rin kami sa unit niya dahil sinabi niya na parurusahan niya daw ako. Hindi siya mukhang parusa sa akin pero kung ibang babae ang sinabihan nito malamang papayag ang mga yon. Ikaw ba naman may makakasama kang ganito kagwapong lalaki, aba huwag ng sayangin ang pagkakataon.

"I won't repeat what I said." sagot nito at nilamapasan ako para makapunta siya sa kwarto niya. Agad ko itong sinundan. Bumungad sa akin ang malawak niyang kwarto. May king-sized-bed sa gitna ng kwarto at sa tabi nito ay isang pintuan na may kurtina na wari ko'y daan papuntang balkonahe. Kulay itim at grey din ang kulay ng kama katulad ng pader nito. May nakadugtong din ditong banyo.

"Hindi maaari ang sinasabi mo, Levi. Malalagot ako sa magulang ko."

Nakangising hinarap niya sa akin ang mukha niya. "Have you forgot what Clark said? He can handle your parents and ofcourse your brother."

"Hindi pa rin ako papayag." sagot ko bago nagiwas ng tingin at humalukipkip.

"You don't have any right to object baby. This is your punishment."

"It's not a punishment you perverted shit! You are doing what you want!" I spat.

"That's why it's called punishment. Once you do something that against my will, I will whatever I want."

"You're just pervert."

"No, I'm not. You just made me jealous Sapphira. What do you want me to do? Tolerate you? Sorry to burst your bubble baby but I can't do that." He smirked at me.

"Gawin mo gusto mo basta alam kong hindi papayag sina Mama sa gusto mo." saad ko bago naglakad palapit sa kanyang malaking kama at humiga doon. Hindi ko alam kung anong ginagawa ni Levi pero nasa kalagitnaan ako ng pamumuni-muni nang bigla ko na lang narinig yung pagtunog ng cellphone ni Levi na nakalapag lang din sa kama. Kinuha ko ito at hinanap si Levi. "Levi! May natawag sayo!"

"Answer it for me baby!" sigaw nito na nasa banyo pala. Nagkibit-balikat na lang ako at tinignan ang tumatawag. Kumunot ang noo ko nang makitang unknown number ito. Sinagot ko ito at tinapat ang cellphone sa tenga ko.

"Hello?"

"Jaxon."

Nanlaki ang mata nang marinig ang boses ni Mama. Ngayon ko lang napagtanto na hindi ko pala saulo ang number ng Mama at Papa ko.

"Mama!"

"Ha? Anak, ikaw pala yan." sagot nito mula sa kabilang linya.

"Ma, kanino mo nalaman ang number ni Levi?" tanong ko dito at lumabas doon sa nakita kong balkonahe.

"Ah, binigay sa akin ng Kuya Clarky mo. Nasabi na niya rin yung pagtira mo diyan sa unit ni Jaxon."

"Mama, hindi ako titira dito—"

"Ano ba anak? Payag naman kami ng Papa mo. Huwag ka ng mag-alala." putol nito sa sinasabi ko na siyang kinalaki ng mata ko.

"Po? Mama naman—"

Napapitlang ko nang may yumakap sa bewang ko at ang paglapag ng baba nito sa balikat ko. Sinulyapan ko ito at nakita ko si Levi na nakapikit habang natulo pa ang tubig mula sa buhok niya. Halatang bagong paligo.

"Anak naman, malaki ka na. Okay lang sa amin. Noong isang araw pa nagpaalam si Jaxon sa amin. Sabi naman niya na hindi ka niya pababayaan." saad pa ni Mama na siyang kinagulat ko.

JUST A SNAPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon