Sapphira's POV
"Dianna! Bumaba ka riyan! Mamalengke tayo ngayon!"
"Teka lang po Ma! Bihis lang ako madali!"
Mabilis akong pumasok sa banyong naka-konekta lang sa kwarto ko. Naghilamos muna ako bago nagbihis. Pagkatapos ko magbihis ay nagsuklay na ako. Tinignan ko muna ang kabuuan ko bago lumabas ng kwarto at bumaba.
Kakadating lang namin dito sa Batangas kagabi at hindi agad ako nakatulog dahil may kulugong nanggugulo sa gabi ko. For pete's sake! Alas-otso na ng umaga at alas dos ako nakatulog kagabi or kanina! Ewan!
"Bakit ka naman tinanghali ng gising babae?" bungad sa akin ni Mama pagkababa ko ng hagdan.
"Hindi po agad ako nakatulog Mother earthy." sagot ko bago tumawa at dumiretso sa kusina para uminom.
"Kakain ka ba muna? O pagkauwi na lang natin sa pamamalangke?"
"Mamaya na lang ako po ako kakain, baka hindi ako makakain ng tanghali mamaya."
Tumango lang siya kaya lumabas na kami ng bahay at sumakay sa kotse dahil pahirapan kami sa paghahanap ng tricycle dito sa area namin dahil madalang lang may nadaan dito. Tapos malayo pa sa amin ang shade kung saan doon ang sakayan papuntang bayan o sa palengke. Tapos wala pa si Papa, malamang kasama niya yung isa niyang anak, yung tandang niya.
Kasalukuyan akong nakatingin sa labas at pinapanood ang mga taong naglalakad nang biglang tumunog ang phone ko. Binuksan ko ito at nakita ko ang panibagong text sa akin ng kulugong yon.
From: Kulugong Presidente
"Good morning. Just finish my workout."
Napataas ako ng kilay sa sinabi niya. Wow, nagaa-update.
To: Kulugong Presidente
"Morning pero walang nagtanong."
From: Kulugong Presidente
"Yeah, I know. I just want to update you."
To: Kulugong Presidente
"Sige, mamalengke lang ako kasama si Mama."
Nakatagalan siya bago magreply.
From: Kulugong Presidente
"You mean, my future mother?"
Napangiwi ako sa sinabi niya bago ako tumingin kay Mama na naghahanap ng parking.
"Mama, may aampunin ka?"
Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. "Anong pinagsasabi mo anak?" balik niyang tanong habang naghahanap pa din ng parking.
Umiling ako. "Nothing ma."
Binalik ko ang tingin sa cellphone ko.
To: Kulugong Presidente
"Ulol ka, papaampon ka ba? Hindi ako papayag."
Agad naman siya nagreply.
From: Kulugong Presidente
"Why? Because you want me to be your lover? Nice."
To: Kulugong Presidente
"Asa, ayokong magkameron ng kapatid na masungit at parang laging pasan ang mundo. Pamilyang happy-go-lucky ata ang meron kami."
"Anak, tara na."
Napatingin ako kay Mama bago ko tinago ang cellphone sa bulsa. Agad akong lumabas at sumunod kay Mama. Agad kaming pumasok sa palengke nang makarating kami kasi grabe ang layo ng pinagparkingan ni Mama kasi ang daming tao.
BINABASA MO ANG
JUST A SNAP
RomanceThe President should be formal and serious. Well, not until he met this girl called 'Doctor Beauty.'