Chapter 14

97 2 0
                                    

Sapphira's POV

"Want me to carry you Sapphira?"

Tinignan ko ng masama si Levi na nakangisi lang sa akin. Nandito na kami ngayon sa sala, nakaupo sa sofa at abala ako sa panonood tapos ang kasama kong kulugo ay nakatingin lang sa akin na may mapang-asar na ngiti.

"Tigilan mo ako Levi. Walang nakakatuwa sa pinagsasabi mo." asar kong sagot sa kanya. Hanggang ngayon ay inaatake pa rin ako ng dysmenorrhea kaya wala akong lakas para patulan siya.

"Your friend told me to take care of you. Why are you so angry?"

Napasimangot ako sa sinabi niya. Isa pa yung hayop na yon! Matapos kong kumain ay nagpaalam na may pupuntahan lang daw. Iniwan ba naman ako kasama ang kulugong ito at sinabing bantayan daw ako? Putek! Ano ako?! Bata?! Hindi ako papayag dahil balang araw may bata na ako at ang ama ay si Levi! Chos! Charot lang yon! Tae Naiinis ako! Nasusura ako!

"I can handle myself Levi. Pwede ka ng umuwi kung tutuusin." saad ko bago hiniga ang ulo sa sandalan ng kamay. "Ikuha mo pala muna ako ng kumot sa kwarto, pati na rin unan." utos ko pa dito habang nakatingin pa sa pinapanood.

"I'm your president Sapphira."

"Presidente din ako pero hindi ko sinabi."

Naiiling pero nakangisi siyang tumayo at pumunta sa kwarto ko para kumuha ng kumot at unan. Ramdam kong bumibigat ang talukap ko pero sinubukan kong labanan ito.

"You're sleepy?"

Napatingin ako kay Levi na kalalabas lang ng kwarto ko habang may dalang kumot at unan. Agad ko iyong kinuha at inilagay ang unan sa uluhan bago ako nagkumot. Kinuha nito ang paa ko bago umupo kung saan nakapwesto kanina ang mga paa ko. Ibinaba niya ang paa ko sa may kandungan niya. Tinignan ako nito nang mapansin niyang pinapanood ko lang siya.

"Hindi ka pa uuwi?" tanong ko dito pero hindi ito sumagot at tinignan lang ako ng mataimtim. "Sabi ni Erin, kaninang umaga ka pa daw nandito."

Umiling bago nagiwas ng tingin at hinaplos ang mga paa ko. "I'm fine, don't worry about me."

"Wala kang trabaho ngayon?"

"I cancelled all my appointments today."

I frowned. "Why?"

"Because you made so damn worried yesterday baby."

Napaiwas ako ng tingin at itinutok na lang ang mata sa pinapanood. "Hindi ko naman alam na tatawag ka, atsaka naiwan ko ang cellphone ko noong umalis ako."

"Not a valid reason."

Napanguso ako bago ito tinignan. "Paano mo nasabi?" Tinignan lang ako nito na para bang alam niya na may sasabihin pa ako. "Kumain ka ng tae."

Malakas siyang natawa sa sinabo ko pero mabilis naman din yon naglaho bago ako tinignan ulit. "You're such a silly girl Sapphira." saas niya bago lumapit sa akin at ginulo ang buhok ko. Naiinis na tinanggal ko ang kamay niya.

"Aish! Huwag mong guluhin! Tatamadin ako magsuklay!" asar kong saway dito pero hindi siya nagpatinag, bagkus ay mas lalo lang niya ginulo ang buhok. "Ano ba?!"

Natatawang tumigil siya sa panggugulo at umayos ng upo habang nakangising nakatingin sa akin. Nasusurang inayos ko ang buhok ko pero maganit na ito kaya nasusurang tinignan ko si Levi.

"Okay, I will fix your hair."

Tumayo siya bago pumunta ulit sa kwarto para maghanap ng suklay. Masama lang tingin ko sa kanya nang makalabas siya na hawak hawak na ang aking suklay. Umupo ulit ito sa sofa at sumenyas na lumapit ako sa kanya. Agad ako lumapit sa kanya at tumalikod para masuklayan niya ako. Naghintay ako na maramdaman ang suklay sa buhok ko pero wala akong naramdaman. Haharap na sana ako dito nang bigla nitong hinawakan ang magkabila kong bewang na siyang kinasinghap ko.

JUST A SNAPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon