Chapter 23

81 3 0
                                    

Sapphira's POV

"Halika anak, ipakikita ko sayo ang mga litrato ni Jaxon noong bata pa siya." saad ni Tita Liandra habang hinihila niya ako palabas ng dining room at iniwan ang dalawang lalaki doon. Tapos na kami kumain, sina Levi naman ay kasalukuyan pa rin nakain kasama ang ama niya.

"Mom! Saan mo dadalhin si Sapphira?" malakas na tanong ni Levi nang paakyat na kami ng hagdan ni Tita Liandra. Tumigil muna kami sandali.

"Sa kwarto lang kami!" malakas ding sagot ni Tita Liandra bago ako hinila pataas.

"Mom! Stop! Iuuwi ko na si Sapphira!"

Hindi sumagot si Tita Liandra kaya natawa na lang ako. Agad kaming pumasok sa kwartong nasa dulo ng pasilyo. Bumungad sa akin ang simpleng kwarto. Kulay grey ang cover ng king sized bed at may larawan ng pamilya sa taas ng headboard nito.

"Hay, ang anak ko. Nagbibinata na. Ayaw kumawala sayo."

Napatingin ako kay Tita Liandra sa sinabi niya bago natawa. Tama naman siya, habang nakain kasi kami ang todo kapit sa akin na para bang tuko. Kulang na lang subuan ko na rin siya, nagmukha akong ina niya, susko.

"He's been childish these past few months, Tita." saad ko bago umupo sa kama.

"I know right, parang hindi siya masungit noon." sagot nito habang papalapit sa akin na may dalang malaking album. "Ipakikita ko sayo ang itsura ni Jaxon noong bata pa siya."

Itinuro niya sa akin ang isang larawan ng sanggol na para bang kalalabas pa lang sa sinapupunan.

"Siya po yan?" gulat kong tanong kay Tita Liandra. Ay grabe, sanggol pa lang, talagang masungit na.

Natawa si Tita Liandra. "Napansin mo rin? Ang sungit tignan diba?"

Tumango-tango ako. "Pero hindi naman siya masungit sa akin. Mukha nga pong bata kung umasta."

She smirked. "Then, you're special." Tinuro nito ang isa pang litrato ng batang si Levi na umiiyak at may hawak na diaper. "Nakikita mo yan? Iyan yung time na ayaw niya ibigay sa akin yung gamit nang diaper. Umiiyak siya kapag kinukuha ko. Mabuti na lang at wala siyang dumi noong pinalitan ko siya."

Natawa ako. "Ang weird ng rason." sagot ko. Natawa na rin siya bago may itinuro pang isang larawan. Hindi na ito nagiisa sa litrato. May kasama na itong sanggol na nakahiga sa stroller at natutulog. Habang si Levi naman ay mataman lang nakatitig sa sanggol.

"Ikaw yan." Napatingin ako kay Tita Liandra sa sinabi niya. "Iyang sanggol na iyan, ikaw yan, kakapanganak pa lang sayo niya ni Stella. Isang taon lang diyan si Jaxon at hindi ko alam kung anong nangyari kay Jaxon diyan. Iyan yung unang kita niya sayo, noong nakita ka hindi na humiwalay sayo ang mata. Kapag bubuhatin namin siya, nagpapababa o kaya naman ay iiyak. Tapos kapag inilalayo namin, magpupumiglas tapos lalapit ulit sayo."

"Ibig sabihin, nagkasama na kami ni Levi noon?" tanong ko kay Tita.

Tumango ito. "Yup. Isang taon lang ang agwat niyo pero nagkasama lang kayo ng dalawang taon kasi nga umalis na kami ng bansa nang maging maselan ang pagbubuntis ko kay Jade." May itinuro itong litrato kaya tinignan ko ito. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Si Levi, nakalapit ang labi sa labi ng batang ako at ang malala, tulog ako doon.

Levi! Hayop ka! Bata ka pa lang, manyakol ka na!

"Tita, hindi na ako magtataka. Bata pa lang pala si Levi, manyakol na!" nanlalaki ang mata na sabi ko.

Humagalapak ng tawa si Tita Liandra. "Bakit? Manyakis ba?"

Tumango-tango ako. "Opo, walang pinipiling lugar." sagot ko bago tumawa.

JUST A SNAPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon