Sapphira's POV
Hindi ako umimik nang marinig ang boses ni Esteffany.
"Jaxon, it's me. Esteffany." mahinang saad nito sa kabilang linya. "Babe, I miss you. I miss you so much." Hindi ko nagsalita. Hinayaan ko siyang sabihin ang mga walang kwenta niyang mga salita. "Leave the stupid girl for me, please. Live with me. Magsasama tayo ng masaya, mamumuhay tayo ng masaya. Hindi mo siya kailangan para lang kalimutan ako. Nandito na ako, hindi na ulit kita iiwan—"
"You're saying your vow to the wrong person, girl." putol ko sa mga sinasabi niya.
"Dianna?"
"Yes, that's me. Feeling dissapointed, right?"
"Give the telephone to Jaxon, stupid girl."
I coldly chuckled. "You really think I'll obey you huh, then think again."
Nakita kong lumabas na din si Levi ng kusina kaya sinenyasan ko itong tumahimik dahilan kaya kumunot ang noo nito.
"I'm older than you stupid girl—"
"I'm more mature than you, desperate girl." I smirked. "Look, you have to try hard. Ni isang plano mo hindi nagtatagumpay. Think harder, babe." I mocked her.
"I will really try harder to steal him from you—"
"I said think harder, not try harder. How can you try harder if you don't think harder? Geez, use your mind." reklamo ko dito bago mahinang tumawa. "Oh well, what do you expect to someone who's desperate?"
Bago pa ito sumagot ay binabaan ko na ito ng tawag. Huminga muna ako ng malalim bago walang emosyong tinignan si Levi na nakahalukipkip lang na nakatingin sa akin. I saw him gulped.
"Hmm, let's eat?" patanong nitong yaya sa akin. Nagalakad ako palapit dito pero nilampasan ko lang siya at pumasok na sa kusina. Agad naman itong sumunod.
"Punong-puno na ako sa ex mo Levi. Hangga't maaari, huwag mong palalapitin yan sayo. Malalagot ka sa akin." paalala ko dito nang makaupo ako sa upuan.
Agad din naman itong umupo sa kaharap kong upuan.
"I swear, I'm not approaching her." sagot nito.
"Be sure."
Nagsimula na kaming kumain na para bang walang nangyaring nakakagigil. Mang makatapos kaming kumain ay siya ang nagpresinta na maghugas ng pinggan.
Napailing na lang ako at nagpaalam dito na maghuhugas lang ng katawan. Tinamaan pa ito ng pagkapilyo dahil ang sinagot sa akin ay kung pwedeng siya daw ang maghugas ng katawan ko. Binatukan ko nga pero tinawanan lang ako ng loko.
"Baby!"
Narinig kong tinawag ako ni Levi kaya pinatay ko muna ang gripo para marinig ang sasabahin pa nito.
"What?"
"I'll just go on my room office! You can come if you want!"
"Okay!"
Narinig ko ang yabag niyang palabas ng kwarto kaya sinimulan ko na ulit ang paglilinis ng katawan.
Nagpupunas ako ng buhok at may tapis na tuwalya nang lumabas ako banyo at dumiretso sa damitan para magbihis. Pinili ko ang nakasanayan kong damit kapag matutulog na. Makapal na pajama at sando ang nakahiligan kong isuot kapag natutulog kaya iyon ang isinuot ko.
Lumabas na ako ng walk-in-closet habang nagtutuyo pa rin ng buhok. Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa office niya. Dire-diretso na akong pumasok at nakita ko itong abala sa paglalagda ng mga papeles. Napatingin pa ito sa akin nang pumasok ako. Natigilan ako ng makita siyang nakasalamin.
BINABASA MO ANG
JUST A SNAP
RomanceThe President should be formal and serious. Well, not until he met this girl called 'Doctor Beauty.'