Chapter 32

74 1 0
                                    

Sapphira's POV

"Sapphira!"

Napabalikwas ako ng bangon nang may malakas na tumawag sa pangalan ko, kasabay ng pagbukas ng pinto ng kwarto ko. Napatingin ako sa pumasok at nakita ko si Lola na kapapasok lang ng kwaro ko.

"Lola!" Gulat ko itong tinignan bago umayos ng upo. Naglakad ito palapit sa akin.

"Bakit hindi ka pa nabangon? Ngayon ang alis mo a."

"Ha?" Napatingin ako sa orasan kong nakalagay sa side table. Nanlaki ang mata ko nang makitang alas-otso na ng umaga. "Oh my gosh!"

Mabalis akong tumayo mula sa kama at patakbong pumasok ng banyo para maligo ng mabilis. Shocks! Alas-diyes ng umaga pa naman ang flight ko.

Nang makatapos ako maligo ay mabilis na nagtapis ako ng tuwalya at pumunta sa walk-in-closet ko. Nagsuot lang ako sa skinny jeans at white plain polo na pinaresan ko ng itim stiletto. Mabilis ako nagayos ng mukha. Kasalukuyan akong nagsusuklay nang mahagip ng mata ko ang singsing na ginawa kong kwintas.

It's been ten years since I left him in that place. Sampung taon na ang nakalipas, marami nang nagbago. Malamang may bago na yon samantalang ako, wala. Masaya akong nakapagtapos ng pagaaral at kinamit ang pangarap ko na maging doktor, ginawa ko ang lahat para lang makalimutan ko siya at para mawala ang nararamdaman ko sa kanya at nagtagumpay naman ako. I just realized that we just crossed our paths to give lessons and I'm happy about it. Masaya ako na kahit papaano ay may maganda akong memorya na nakuha mula sa taong minahal ko dati. I wish him all the best. Sana makita na niya yung para sa kanya.

"Sapphira! Nandito na ang sundo mo!"

Nabalik ako sa realidad nang marinig ang boses ni Lola mula sa labas ng kwarto ko. Kumurap-kurap muna ako bago kinuha yung kwintas at sinuot. Mabilis kong kinuha ang sling bag ko at ang mga maleta ko bago lumabas ng kwarto at bumaba.

"Nandito na po." saad ko nang makababa ako ng hagdan. Napatingin ako sa susundo sa akin. Nginitan ko siya bago naglakad palapit dito at niyakap. "Hi."

"Hello, sweetie." bati nito pabalik bago hinalikan ang noo ko. Napangiti ako bago humiwalay ng yakap sa kanya.

"Let's go?" yaya ko dito. He smiled at me then hold my one hand.

"Let's go." sagot niya kaya tumingin na kami kay Lola.

"Lola, aalis na po kami." paalam ko.

"Oh siya, magiingat kayo." Hinalikan nito ang noo ko. "Send my regards to your parents and brother."

"Sure, La." Hinalikan ko ito sa pisngi sa huling pagkakataon bago kami lumabas ng bahay.

Mabilis kaming nakarating sa airport at saktong tinawag din ang flight namin pabalik ng Pilipinas. Yes, sampung taon na an nakalipas pero ni isang pagkakataon ay hindi ako umuwi. Bukod sa abala ako sa pagaaral, abala rin ako sa mga iba kong gawain.

Nang makaupo kami sa upuan ay tumangin naman sa akin ang kasama ko.

"You're ready?" tanong nito sa akin.

Ngumiti ako. "I'm ready, Tyler."

●○○○●

"Dianna!"

"Pare!"

Mabilis akong niyakap nina Erin nang makalabas kami ng airport. Agad kong sinuklian ang yakap nila.

"How are you guys doing?" masaya kong taong sa kanila nang maghiwalay kami sa yakap namin.

"We're fine, thank you." sagot ni Erallyn kaya natawa kami.

JUST A SNAPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon