Chapter 7

133 3 0
                                    

Sapphira's POV

"Shit!" Nanlalaki ang mata na tinuro ko siya na nakangisi lang sa akin at nakahalukipkip "Hoy ikaw! Anong ginagawa mo dito?! Gabi na a!"

Nagkibit-balikat muna siya bago sumagot. "I should be the one asking you. What are you doing here? It's already night." balik niyang tanong sa akin. Inirapan ko siya bago humalukipkip at nag-iwas ng tingin. 

"Ako ang unang nagtanong kaya ikaw ang unang sumagot."

"I'm a president, it's my responsibility to check every room if there's still a student." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"So you mean, matagal mo ng ginagawa ito?" tanong ko sa kanya. Walang gana lang siyang tumango. Napabuntong hininga ako bago siya malakas na sinuntok sa braso. Ang laki niyang tao, imposibleng masaktan siya doon.

Nanlalaki ang mata na napatingin siya sa akin habang hinihimas niya ang brasong sinuntok ko. "Ouch! Fuck! What was that for?"

"Para yon sa pananakot mo sa akin shit ka!" singhal ko sa kanya bago umirap at naglakad na palayo sa kanya. Agad naman siyang humabol.

"Wait up!"

"Tse! Bahala ka diyan! 

Bago pa ako makalabas ng gate ng school ay nahawakan na niya ako sa braso at pinaharap sa kanya.

"Look, I'm sorry okay? I didn't know that you're there at first but when I saw you seriously doing something, I just watch. It's just that, it's too dark on my position that time that's why I bumped into something, twice." pagpapaliwanag niya. Masama lang ang tingin ko sa kanya habang nagsasalita siya.

"Nagtatanong ako kanina pero hindi ka sumagot. Baliw ka ba? Muntik na akong atakihin sa puso sa sobrang takot!"

Napakamot siya ng ulo. "That's the point, I was amused in your reaction that's why I didn't answered you." 

Tinignan ko lang siya lalo ng masama bago tumalikod at naglakad palayo sa kanya.

"He---"

"Huwag mo na akong sundan Mr. Presi kasi uuwi na ako."

Walang lingon ko siyang iniwan doon at sumakay sa kotse ko.

●○○○●

"Mabuti hindi ka namura ng magulang mo pre. Like duh, grabe kaya ang pagka-overprotective ng magulang mo sayo."

"Nagpaalam naman ako na gagabihin ako kaya wala silang nagawa." sagot ko sa kanya habang umiinom ng delight. Nandito kami sa cafeteria kahit hindi pa time dahil grabe yung gutom ni Erin hindi daw siya nag-almusal kaya bigla na lang nanghatak dito dahil gutom na gutom ng daw siya. Mabuti na lang parehas kami ng course kaya parehas kami ng schedule.

"Ay boy, saan kayo magbabakasyon ngayong sembreak? Kami kasi sa probinsya namin sa Bicol." saad niya habang hinihimas ang tiyan niya. Kanina pa kaya kami nandito tapos kanina pa rin siya nakain, sino hindi bubundat ang tiyan diyan? Sana all kung ganon.

"Sa probinsiya din kami sa Batangas, miss ko na lomi doon." sagot ko habang iniisip ang lomi. Grabe, nakakapang-laway naman mas lalo na kapag maanghang ang toyo, shit naman.

"Sana all may namimiss diba? Pero okay lang, may nakakamiss din naman ata sa akin." Napakunot ako ng noo sa sinabi niya habang umiinom pa rin ng delight. Bakit ba? Tinitipid ko e, ang sarap kaya.

"Sino?"

Ngumisi siya sa akin. "Yung mga isda sa amin." sagot niya bago tumawa nang malakas. Inis kong binasa ang kamay ko gamit ang tubig niya bago madiing ipinunas sa mukha niya. Tumawa ako bago tumayo at tumakbo palabas ng cafeteria habang hawak pa rin ang iniinom kong delight.

JUST A SNAPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon