Sapphira's POV
Natigilan ako sa sinabi ni Jaxon. Baby? Gago ba siya? Pamilyado na't lahat-lahat lumalandi pa!
Narinig ko ang pagtikhim ni Tita Liandra.
"You guys, you can talk to each other. I won't interrupt you two."
Napatingin ako kay Tita nang sabihin niya yon. Ay ganon, iiwan na lang ako sa lalaking 'to? Hindi pwede!
"No Tita, hindi na rin po kasi ako magtatagal. I have a duty tomorrow." saad ko bago tumingin kay Jaxon. "See you around, Jaxon."
Maglalakad na sana ako nang biglang hawakan ni Jaxon ang braso ko. Napatingin ako sa kamay niyang nakakapit sa braso ko bago tumingin sa mukha niya.
"I can send you home." saad ni Jaxon. Nginitian ko ito.
"No thanks, I brought my car." sagot ko bago tinanggal ang kamay nito at tinalikuran. Naglakad na ako papunta kay na Mama para magpaalam. "Mama, aalis na po ako."
Napatingin sila sa akin. "Oh sure, magiingat ka."
"Visit us sometimes." saad ni Papa.
"Yes, Papa." sagot ko bago hinalikan sila isa-isa sa pisngi. "Bye!"
Tumalikod na ako sa kanila at lumabas na hall. Nang makapasok ako ng elevator ay agad kong pinindot ang ground floor. Mag-isa lang ako sa elevator kaya hindi ako nahirapan. Akmang magsasara na sana ito nang biglang may pumigil dito.
Napasinghap ako nang makitang si Jaxon pala ang pumigil noon. Agad na nagtama ang mata namin dahilan kaya mabilis akong nagiwas ng tingin. Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko nang makapasok ito sa elevator. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaba nang magsara na ang pinto ng elevator.
Namayani ang katahimikan sa amin at wala ni isa ang balak basagin yon. Nakatuon lang ang tingin ko sa taas ng pindutan kung saan nakalagay ang mga floor at hinihintay yon na mag-ground floor pero dahil ayaw sa atin ng tadhana, matagal-tagal pa ito dahil sa top floor ginanap ang party.
Naramdaman ko ang pagkilos ni Jaxon kaya naging alarma ko. Hanggang sa maramdaman ko na lang ang pagpulupot ng braso nito sa bewang ko at isinandal ako sa gilid nang elevator dahil kaya napasinghap ako.
"A-anong ginagawa mo—"
Naputol ang sasabihin ko nang marahas nitong inilapit ang mukha sa akin. Nanlalaki ang mata na sinalubong ko ang nagbabagang mata nito.
"Where have you been?" he huskily asked. Kumunot ang noo ko.
"A-ano bang pinagsasabi mo—"
"I'm asking you. Where have you been?"
Sumama ang tingin ko dito.
"Does it matter?" mataray kong tanong dito bago humalukipkip. "For your information, we already broke up. Wala ka ng pakialam kung saan ako nagpunta o ano."
Nakita ko ang pagngisi niya na siyang nagpatulala sa akin. Shit! Mas lalong gumwapo! Oh my gosh! Huwag mo siyang pagnasaan self!
"For your information too, as far as I know, we didn't broke up. You just left me."
"Point taken. Ibig sabihin wala na tayong relasyon kasi umalis ako noon."
Napasinghap ako nang mas lalo nitong inilapit ang katawan sa akin.
"Hindi na tayo magkahiwalay. Ang lapit-lapit na natin." paos nitong saad sa akin dahilan kaya mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Buong lakas ko itong itinulak palayo sa akin pero para lang akong nagtulak ng pader dahil hindi man lang ito nagpatinag.
BINABASA MO ANG
JUST A SNAP
RomanceThe President should be formal and serious. Well, not until he met this girl called 'Doctor Beauty.'