Chapter 28

72 2 0
                                    

Sapphira's POV

"Kailangan ba talaga na ganon ang gawin ko?" nakangiwi kong tanong kay na Savannah.

Nandito kami sa Student Council Office para pagplanuhan ang gagawing surpresa para kay Levi at kasama na rin namin si Erin ngayon. Wala na kaming klase kaya napagpasyahan namin na magusap na lang, mas lalo na at wala si Levi ngayon. Wala ulit si Levi ngayon dahil may gagawin daw siya sa kompanya, pati na rin ang mga lalaki ay wala dahil may training daw sila ngayon ng basketball kasi may laro bukas. Tatlong araw na ang nakalipas nang makita kong kausap ni Levi si Esteffany at tatlong araw na rin akong nagiisip nang maaaring iregalo kay Levi.

"Yes, para hindi niya mahalata na surpresang magaganap." sagot ni Allilaine bago kumindat sa akin.

"Paano kapag nagpumilit si Levi? Alam niyo naman yon, kapag hindi pinapansin gagawa ng paraan para pansinin."

That's true. Ayaw ni Levi nang hindi siya pinapansin, mas lalo na ako. Matagal na noong hindi ko siya pinansin kasi grabe ang sakit puson ko pero ang gago gumawa ng paraan para lang mapansin siya, magpapakamatay daw siya kapag hindi ko pinansin. Nasisiraan na ata ng bait ang tukmol na yon.

"Edi gumawa ka ng dahilan kung bakit hindi mo siya pinapansin." sagot naman ni Erallyn.

Kumunot ang noo ko. "Anong idadahilan ko?"

"Sabihin mo na nakita mong nirereplyan niya yung mga texts ng gagang Esteffany na yon." sagot ni Erin na prente lang nakaupo sa upuan.

Alam na rin nila na nagtetext si Esteffany kay Levi dahil sinabi ko sa kanila.

"Gaga ka, hindi niya nirereplyan mga text ng gagang yon." asar kong sabi dito.

"Edi kuhanin mo ang cellphone niya tapos replayan mo yung text ng gaga."

"Anong sasabihin ko?"

"Sabihin mo, 'putangina mo po.'"

Natawa kaming lahat sa sinabi niya.

"Nice Erin, maganda yan." natatawang komento ni Savannah.

"Lintek na reply yan." komento din ni Erallyn.

"Kidding aside, basta huwag mo siyang pansinin. Hindi naman ata yon gagawa ng masama sa sarili niya." saad ni Erin.

"Yeah, Is he suffering under depression?" tanong ni Allilaine.

Umiling ako. "Nope, papansin lang talaga siya."

Natawa sila sa sinabi ko.

"How about gifts? May naisip ka na ba?" tanong naman ni Savannah.

"Wala pa rin e. Ano pa bang wala siya?" nakakunot ang noo kong saad sa kanila.

Napaisip naman sila sa tanong hanggang sa pumalantik na lang ang daliri ni Erin.

"Aha! Alam ko na kung anong wala si Presi!"

Kunot ang noong tinignan namin siya.

"Ano naman yon?"

Nakangising tumingin siya sa akin na parang bang nanunudyo.

"Gusto niyong malaman?" pabitin pa nitong sabi.

"Malamang! Wala kaming maisip e." komento namin.

May humalong malisya sa tingin ni Erin sa akin kaya mas lalong kumunot ang noo ko.

"Anak."

Natahimik kaming lahat sa sinabi niya, hindi pumoproseso ang utak. Ilang minutong walang nagsalita sa amin. Ilang minuto pa ang nakalapias hanggang sa naintindihan namin ang sinabi niya.

JUST A SNAPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon