Chapter 50

111 1 0
                                    

Sapphira's POV

"Kuya Clarky!"

Marahas kong binuksan ang pinto ng kwarto ni Tita Estrabelle at pumasok doon. Agad na napatingin sa akin si Kuya Clarky.

"Anong ating, Dianna?" tanong ni Kuya Clarky bago binalik ang tingin sa binabasa niya.

Mabilis akong naglakad palapit sa kanya at umupo sa tabi niya.

"Kuya! Nawawala si Levi!" saad ko bago inalog-alog ang magkabila niyang balikat. "Nasaan siya Kuya?!"

Inalis nito ang kamay ko sa balikat niya. "Hindi ko alam! Ikaw ang jowa tapos  sa akin mo hahanapin! Ako ba jowa?"

Napasimangot ako bago humalukipkip. "Di ba dati, nilalandi mo? Pagkagising ko kasi kanina, wala na siya sa bahay."

"Tinawagan mo ba?" tanong ni Kuya Clarky na nasa libro na ulit ang atensiyon.

"Oo, tinext ko na rin pero hindi naman sinasagot." sagot ko bago tinignan ang cellphone ko.

"Baka may nahanap ng iba." saad pa nito kaya kinutusan ko siya. "Aray!"

"Kung wala kang ibang gagawin, tumahimik ka na lang." saad ko bago kinalikot ang cellphone ko.

Sinubukan kong tawagan ulit si Levi pero nagriring lang ito kaya napabuntong-hininga ako.

"Anak, nakapag-almusal na ka ba?" tanong ni Papa. Tumayo ako bago kinuha ang bag ko.

"Hindi pa po. Pupunta lang po akong coffee shop." Hinilot ko ang sentido ko. "Masyado kong pino-problema si Levi, naalala kong kaya naman niya ang sarili niya."

Lumabas na ko ng kwarto at naglakad palabas ng hospital. Nilakad ko na lang ito dahil malapit lang naman siya.

Pumasok ako ng coffee shop at pumunta sa counter.

"Good morning, Ma'am." bati ng babaeng crew nang makalapit ako sa counter.

"Good morning." bati ko pabalik habang nakatingin sa menu. "One blueberry cheesecake and one hot chocolate."

"Alright, Ma'am." tugon ng babaeng crew bago may kinalikot doon. Agad na sinabi nito ang halagang babayaran ko kaya nagbayad na ako bago pumunta sa isa sa mga lamesa.

Saktong pagkaupo ko ng upuan ay tumunog ang cellphone ko kaya dali-dali ko itong kinuha, nagbabaka-sakaling si Levi ang tumatawag. Nadismaya ako nang makitang hindi si Levi ang natawag, kundi si Erin.

Napabuntong-hininga ako bago sinagot ang tawag ni Erin.

"Parekoy!" masayang bungad niya mula sa kabilang linya.

"Anong tsismis natin, dai?" tanong ko bago sumandal sa upuan at tumangin na lang sa labas.

"Parekoy! You won't believe this! Ang tatlong gago nanliligaw na sa tatlong bibe!" masigla nitong sabi.

"Tatlong gago at tatlong bibe? Sina Vincent ba?" tanong ko. Napatingin ako a babaeng crew nang inilapag nito ang in-order ko. "Thank you."

"Yes, yes, yes! Ang tatlong bibe tinanggap!" saad niya bago tumawa ng malakas. "Parekoy! Galaw-galaw din pare, payagan mo na si Presi!"

Kumunot ang noo ko. "Saan ko papayagan?"

"Girl, payagan mo na maglabas ng katas!"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya habang namumulo. "Erin! Tangina mo talaga, wala ka ng ginawang maganda!"

JUST A SNAPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon