Sapphira's POV
Kasalukuyan kong inaayos ang bag ko kung saan nakalagay ang mga gamit na kakailanganin ko sa gym. Maaga akong gumising ngayon kahit madaling araw na naman ako nakatulog para lang mag-gym. Hindi ako nakatulog sa sinabi ni Levi. Tanga ba siya? Paano niya nasasabi yon?
Nagbihis muna ako ng pang-gym ko bago lumabas ng kwarto at bumaba. Dire-diretso ako lumabas ng bahay dahil tulog pa naman ang tao sa bahay at 5:40 pa lang umaga. Ginamit ko ang kotse ni Papa dahil nasa Maynila ang kotse ko, magtetext na lang ako kay Papa na gamit ko ang kotse niya.
Nang makarating ako sa gym ay nilapag ko muna ang gym bag ko bago nagwarm-up. Nag-treadmill muna ako bago pumunta sa iba pang gym equipment.
Naligo ako nang makatapos ako at nagbihis. Agad akong umalis doon para umuwi. Bumungad sa akin si Mama na nagwawalis sa hardin.
"Hey Ma, morning." bati ko dito bago lumapit para halikan ito sa pisngi.
"Good morning anak. Gym?" Tumango ako. "May pagkain na doon, kumain ka na lang."
"Thank you Mama."
Tumango lang siya kaya pumasok na ako at dumiretso sa kwarto para ilagay ang bag doon. Agad din naman ako lumabas para kumain. Nakasalubong ko pa si Papa na may kausap sa telepono.
"Morning paps." bati ko at lumapit dito.
"Morning princess." bati niya rin bago ako hinalikan sa noo at nagpokus na ulit sa kanyang kausap sa telepono.
Bumaba na ako at dumiretso sa kusina para kumain. Nang makatapos ako ay hinugasan ko pinagkainan ko at lumabas ng bahay. Tinulungan ko si Mama sa paglilinis ng mga paso sa hardin.
"Mama, sino yung mga anak ni Tota Liandra?" tanong ko kay Mama habang abala pa rin sa paglilinis.
"Nakalimutan ko na ang pangalan ng panganay samantalang yung bunso naman hindi ko nakilala. Pero tanda ko pa ang itsura ng panganay, grabe ang ganda ng itsura noon, mana nga lang sa ama niya kaya masungit." sagot niya bago inayos ang pwesto ng isang halaman. "Irereto kita kapag nakilala mo."
"Ma!"
Tumawa si Mama sa pagsinghal ko dahilan kaya napasimangot ako.
"Biro lang anak, ako ang malalagot sa ama mo." Lumapit sa akin si Mama bago hinaplos ang aking buhok. "Alam mo naman na ayaw namin na nasasakal ka pati na rin ang Kuya mo. Gusto namin na kayo ang magdedesisyon para sa sarili niyo. Gusto namin na makamit ang gusto niyong pangarap. At mas lalong gusto namin na mahalin niyo kung sino ang mahal niyo." dugtong niya bago pinagpatulog ang paglilinis ng paso. "Ayaw ng Papa niyo na maranasan ang naranasan niya sa kamay ng magulang niya."
Kumunot ang noo. "Ano pong ibig niyong sabihin?"
Itinigil ni Mama ang ginagawa niya at iginaya ako sa upuan na nandoon, parehas kaming umupo doon.
"Princess, once you enter a relationship, it's normal to have a challenges. And the challenge we've got is your grandmother."
"Bakit po?"
"Tutol ang Lola mo sa relasyon namin ng Papa mo noon." sagot niya bago bumuntong hininga. "Maraming mayayaman na pinipili ang pera kesa sa totoong kasiyahan. Akala nila, porket may pera sila masaya na. Kaya ang mayayaman ay natatakot na maghirap dahil bilang sa hindi sila sanay sa mahirap na buhay, hindi rin sila sanay na walang pera. Kaya maraming anak ang nagsasakripisyo para sa kasiyahan ng magulang. Are you getting my point?"
Tumango ako. "Wala akong nakikitang rason para ayawan ka ni Lola. Mabait ka naman Mama at responsable."
"That's the point princess. They're not looking in your personality, they are looking in your state. Kung mayaman ka ba, may kaya, o mahirap at sa estado ko, mahirap ako kaya hindi ako tanggap ng Lola mo noon." sagot niya at bumuntong hininga ulit.

BINABASA MO ANG
JUST A SNAP
RomanceThe President should be formal and serious. Well, not until he met this girl called 'Doctor Beauty.'