Sapphira's POV
"So, ano na mangyayari? Isang linggo na lang sembreak na. Ilang linggo din tayo hindi magkikita pre, mamimiss kita tangina ka."
"Mas mauuna ako kay na Papa uuwi kasi dadaanan ko pa mga pinsan ko sa Laguna." sagot ko habang abala sa paglilinis ng materyales na ginamit namin sa presentation. Nandito kami sa laboratory dahil nagpresent kami na tungkol sa pagoopera. I'm still wearing my lab coat and also a gloves.
"Ako din kaya? Sa tingin mo? Para may araw pa tayo maglakwatsa." sagot naman ni Erin na nakaupo lang sa high chair at nakahalukipkip. Napakatamad talaga ng letseng 'to.
"Hindi ako katulad mo pare. Baka gusto mong isumbong kita kay Mama, napakasama mong impluwensya."
Inirapan niya muna ako bago nagtatampong umiwas ng tingin.
"Sus, alam kong gusto mo rin. Wag ka na magmaang-maangan pa."
"Ulol, di mo ako mapipilit. Maglakwatsa ka magisa mo."
Sumimangot naman ito. "Madamot, di na kita tutulungan."
Natawa ako sa sinabi niya. "Sa ating dalawa, ikaw ang tinutulungan."
Inirapan niya ulit ako. "So boastful."
Sabay kaming lumabas ni Erin ng laboratory nang makatapos kami—I mean, ako pala maglinis.
"May pupuntahan ako mamaya, sama ka ba?" tanong ni Erin habang naglalakad kami sa hallway papunta sa room namin.
Umiling ako. "May exam na tayo sa Miyerkules, kailangan ko mag-aral."
"Lunes pa lang naman. May bukas pa. Sama ka na." udyok pa nito pero umiling ako.
"Napakasama mo talagang kaibigan pero sige, sasama ako sa susunod na lang." sagot ko bago tumawa at binilisan ang paglalakad dahilan kaya naiwan siya.
"Tangina mo Sapphira Dianna!"
Agad akong umupo sa upuan ko nang makarating kami sa room at nagbasa-basa kung sakaling may surprise, surprise quiz panis.
"Hoy, magroround daw ngayon ang President."
"Hala, si President Jaxon ba kamo? Tangina, masisilayan ko na naman ang pinakamamahal ko."
"Lahat na'y mahal mo, wala kang pinapalampas."
"Pero siya ang totoo kong mahal."
"Asus, maniwala. Kahit may jowa ka may iba kang mahal. Galing mo humanap ng letter B no? Kapag ayaw na ng letter A punta naman sa letter B. Paano kapag natapos hanggang letter Z?
"Edi balik letter A."
"Lakas mong tangina ka."
Mag-uuli si Levi? Bakit parang ang aga ata? Hindi ba tuwing gabi lang siya nag-uuli? Nagbago schedule niya? Ulol, daming tanong. Laging pinoproblema ang hindi naman dapat problema. Parang kayo lang ng gusto mo, gunigusto mo kahit hindi kagusto gusto. Charot.
Nagkibit-balikat na lang ako at pinapatuloy ang pagbabasa hanggang sa dumating ang professor namin.
●○○○●
"Sure ka ng hindi ka sasama?" huling tanong ni Erin habang palabas kami ng room.
"Yup. Atsaka, may kukunin pa akong mga libro sa library tapos pupunta pa akong mall dahil may pinabibili pa sa akin si Mama bago ako umuwi ng bahay."
BINABASA MO ANG
JUST A SNAP
RomanceThe President should be formal and serious. Well, not until he met this girl called 'Doctor Beauty.'