Chapter 31

71 1 0
                                    

Sapphira's POV 

Ngayon alam ko na kung bakit sumakit ang dibdib ko kanina. Alam ko na kung bakit naramdaman kong may mangyayaring masama.

"S-Sapphira."

Hindi ko pinansin ang pagtawag sa akin ni Levi. Nakapako lang ang tingin ko kay Esteffany na gulat na gulat nang makita kami. Hindi ako tanga para hindi malaman ang nangyayari.

"Dianna, huwag ka munang magpadalos-dalos." Narinig kong sabi ni Erin.

I smiled, still looking at Esteffany. "I'm not. You wanna know why?" Tumingin ako kay na Erin na nagaalalang nakatingin sa akin. "I didn't feel her as a threat." Binalik ko ang tingin kay Esteffany. "She's just a pest, following Levi around."

Nanlisik ang tingin sa akin ni Esteffany. "You stupid—"

"I'm not the stupid here, Esteffany. You are." I dangerously smirked at him. "You think I don't know, you drugged him?" Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya. I smirked more. "Think again."

"H-how did you know—"

"I'm not dumb, Esteffany." Matalim ko siyang tinignan bago naglakad palapit dito. "I am not studying medicine for nothing." Tumigil ako sa harapan niya at mabilis itong kinuweyuhan. "And you, you know nothing. You don't know who you're messing with." Mas hinigpitan ko ang pagkakakuwelyo sa kanya. "Hindi porket mas matanda ka sa akin ay hindi na kita lalabanan. Wala akong kinakaawaan kapag sumabog ang pasensya ko."

 Malakas ko itong sinapak sa mukha dahilan nang pagkatumba niya. Umupo ako sa harapan niya at kinuwelyuhan ulit kahit hindi pa siya nahihimasmasan.

"Dianna!"

"Sapphira!"

Marahas ko hinarap sa akin ang mukha ni Esteffany. Mapanganib akong ngumisi sa kanya. "Sa susunod gamitin mo ang utak mo bago ka kumilos. Hindi mo kilala ang binabangga mo." sabi ko dito bago marahas na binitawan ito dahilan na pagkatuba niya ulit. Tumayo na ako at humarap sa mga kaibigan ko.

"Sapphira." Malamig kong tinignan si Levi. Takot at kaba, iyan ang nakikita ko sa mga mata niya. Hindi ko ito pinansin. Naglakad ako palapit sa lamesa at kinuha ang cellphone ko. Maglalakad na sana ako papasok sa kwart nang biglang hinawakan ni Levi ang braso ko. "Sapphira, let me explain."

Marahas kong tinanggal ang kamay nito sa braso ko. Matalim ko itong tinignan nang humarap ako dito. "Hindi ako bata para hindi pakinggan ang mga paliwanag ako. Hayaan mo, pagbibigyan kita pero huwag ngayon. Hindi ko pa matanggap." Tumalikod na ulit ako at pumasok sa kwarto para kunin ang bag ko na naglalaman ng mga personal kong gamit. Lumabas na ako kwarto at naglakad palabas ng unit.

"Dianna."

Napatigil ako sa paglalakad at hinarap ang mga kaibigan ko. Nginitian ko sila.

"Huwag kayong magalala. Hindi ako mahina." Tumingin ako kay Erin. "At alam mo yon, Erin." Nagsimula na ulit akong maglakad palabas ng unit. Nakita ko pa si Esteffany na nakaupo na sa sahig na takot na takot na tinignan ko. I grinned at her. Yumukod ako at hinaplos ang panga niyang namamaga dahil sa pagsuntok ko. "Tandaan mo ang sinabi ko ha. Dahil kung hindi." Inilapit ko ang labi ko sa tenga niya. "Humanda ka sa akin."

Naramdaman ko ang pagtigas nito kaya ngumisi ako. Umayos na ako ng tayo at lumabas na ng unit. Matapang pa rin akong naglalakad pero ang makasara ang elevator na sinakyan ko, hindi ko na kinaya. Napasandal na lang ako sa gilid ng elevator at tinakpan ang bibig para pigilan ang paghagulgol.

Ang sakit, ang sakit sakit. Hindi ko matanggap, kahit alam kong may pinainom si Esteffany na droga kay Levi. Masakit pa rin. Mabuti na lang ako lang mag-isa dito sa elevator.

JUST A SNAPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon