Sapphira's POV
"Anak, hindi ka pa ba lalabas diyan sa kwarto mo? Magaalas-syete na a."
Napatingin ako kay Mama nang bigla itong pumasok sa kwarto ko. Hindi ako nagpatinag at tahimik pa ring nakadapa sa kama habang yakap ang paborito kong unan at nakatitig pa rin sa kawalan.
"Anak?"
"Wala po akong gana ngayon lumabas Mama."
Hindi agad sumagot si Mama, bagkus ay lumapit muna ito sa kama ko at umupo. Nagaalala niya ako tinignan.
"Are you alright?"
Walang gana akong tumango. "I'm fine Mama. I just don't want to move today."
"You want me to call your father?"
Umiling ako. "No Mama, Papa is a busy man. Don't worry, I can handle myself."
Napabuntong hininga naman si Mama. "Just call me if you need something. Pupunta lang ako sa shop ko kasi dadating yung mga bagong pitas na bulaklak." saad niya bago ngumiti.
Bumangon ako bago hinalikan sa pisngi si Mama. "Don't worry about me and take care Mama. I'll visit your shop some other time." sagot ko.
Hinalikan ako ni Mama noo bago niyakap. "You're already a lady my daughter and I'm proud. Basta kapag may nanligaw anong sasabihin?"
Natawa ako. "Back off. Criminal Papa ko tapos sindikato Mama ko tapos yung Kuya ko takas sa mental." sagot ko bago tumawa ng malakas.
"Dianna!"
Natawa na rin si Mama kalaunan.
"O siya, aalis na ako. May pagkain pa sa baba, painitin mo na lang pero kung ayaw mo ng ulam magluto ka na lang. Marunong ka naman magluto diba?" Tumango bago ngumiti. "Good. Take care baby." Hinalikan niya muna ulit ako sa noo bago lumabas ng kwarto ko.
Padabog ulit akong humiga sa kama ko at pumikit. Agad pumasok sa aking isip ang imahe ni Levi dahilan kaya marahas ako napamulat ng mata. Naiinis kong sinabunutan ang sarili at nagpagulong gulong.
"Tama na! Crap! Tigilan mo na ako."
Hinihingal akong tumigil sa ginagawa ko bago tumitig sa kisame. Ano bang pumasok sa kukote ng mamang yon para sabihin yon? And I like you for that? Seriously? Ibig sabihin may gusto siya sa akin? O baka naga-assume lang ako? Pero maganda ako kaya posible talagang magustuhan niya ako, chos.
Padabog akong bumangon at naglakad papuntang banyo para maghilamos. Crap! Hindi pa ako nakakapag-exercise! Bukas na lang ako magsisimula, kasura naman.
Nang makatapos ako maghilamos ay nag-ayos muna ako bago lumabas ng kwarto at bumaba. Agad kong nakita si Manang Koring na abala sa paglilinis ng sala.
"Morning Nanay." bati ko dito nang makababa ako. Agad itong napatingin sa akin at ngumiti.
"Aba'y magandang umaga din ineng. Gusto mo na ba mag-almusal? Ipaghahanda kita, sabi ng Mama mo ay wala kang gana kumilos ngayon." saad niya nang makapagmano ako sa kanya.
"Wag na nay, kaya ko na po sarili ko."
Ngumiti ulit si Nanay. "Oh siya, ipagpapatuloy ko na ang paglilinis ko dito."
Tumango na lang ako bago pumasok sa kusina. Pinainit ko ang pagkain na nandoon at kumain. Nang makatapos ako ay hinugasan ko muna ang pinagkainan ko bago lumabas ng kusina.
"Nay, nasaan si Ate Marie?"
Napatigil sa paglilinis si Manang Koring at tumingin sa akin.
BINABASA MO ANG
JUST A SNAP
RomanceThe President should be formal and serious. Well, not until he met this girl called 'Doctor Beauty.'