Sapphira's POV
"So, kamusta ang malupitang bakasyon sa Batangas?" Iyan agad ang bungad sa akin ni Erin nang makarating ako sa condo niya.
"Ayos lang. Nakilala ko kaibigan nina Mama na gwapo daw ang panganay na anak." sagot ko bago pumasok sa condo niya kasama ang mga gamit ko. Napatakip siya ng bibig sa sinabi ko bago sumunod sa akin papasok.
"Ows? Baka naman pwede mo akong ipakilala." Tinaas baba niya ang kilay niya dahilan kaya napairap ako.
"Ulol, di ko pa nga nakikita e."
Tumawa lang siya bago pumunta sa kusina habang ako naman ay tinanggal ang sapatos at umupo sa sofa na nasa sala.
"So, bakit ang aga mo umuwi?"
"May pasok na sa susunod na araw. Mahihirapan ako kung bukas pa ako uuwi." sagot ko bago umayos ng upo. "Atsaka, magpapaiwan daw sina Mama doon."
Tumaas ang kilay niya bago pumameywang sa harap ko. "Kaya ka nandito? Makikitira ka muna?"
Napanguso ako. "Ilang araw lang naman. Hindi ko naman kung kailan uuwi sina Mama atsaka sabi din nila na dumito muna daw ako sayo para may kasama ako kasi hindi daw niya muna pagtatrabahuhin ang mga tao sa bahay." parang bata na sagot ko. Nanliit ang mata niya sa akin bago ngumisi.
"Basta ikaw ang magluluto ng pagkain natin." kondisyon niya. Ngumisi ako bago nagthumbs up.
"Basic naman niyan pero sige, deal."
"Napakayabang mo talagang hinayupak ka." barumbadong komento niya dahilan kaya natawa ako. Sasagot na sana ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa bulsa at tinignan.
From: Kulugong Presidente
"You're already here in Manila?"
Nagtipa ako ng isasagot sa kanya.
To: Kulugong Presidente
"Yup, kadarating ko lang."
Buong ang atensyon ko sa cellphone at hindi ko namalayan na nakatingin na pala si Erin sa cellphone ko. Agad ko itong nilayo sa kanya dahilan kaya nanliliit ang mata na tumingin siya sa akin.
"Textmate kayo ni Presi?" tanong agad nito kaya umiling ako.
"Ha? Anong textmate? Hindi kaya." maang kong sagot dito.
"Ano? Tatanggi ka pa e huli ka na ng aso."
Tinaasan ko siya ng kilay. "So, ikaw yung aso?"
Nagkibit balikat lang siya bago tumayo at naglakad papasok sa kanyang kwarto.
"Alam kong Presi yan, may utang kang kwento sa akin gago ka." saad niya. "Mag-ayos ka na! Pupunta tayong supermarket! Bibili tayo ng stocks!" sigaw niya pa mula sa kwarto.
Napailing ako bago pumasok sa isa pang kwarto para mag-ayos.
●○○○●
"Kailangan ba 'to?" Napatingin ako kay Erin nang magsalita siya. Napasimangot ako bago kinuha ang hawak-hawak niya.
"Kailangan 'to sa sinigang. Paano aasim ang sinigang kung di mo lalagyan ng paasim?" asar kong sabi sa kanya bago pinagpatuloy ang paglalakad.
Napasimangot ito. "Daming arte. Hindi ba pwedeng asin na lang ang ilagay?" parang tanga nitong tanong.
"Edi hindi yon aasim kasi aalat yon. Tanga ka?"
BINABASA MO ANG
JUST A SNAP
RomanceThe President should be formal and serious. Well, not until he met this girl called 'Doctor Beauty.'