Chapter 3 ( Crush)

8.7K 180 1
                                    

Di mapakali si Lupe, nakaharap siya sa wholebody nilang salamin. Nakayukod pa siya habang sinisipat maigi ang dalawang eyebag niya..Kung bakit naman kasi di siya pinatulog ni Nicholas eh. Kundi pa sumigaw ang mommy niya ay di pa siya titigil sa pananalamin. Nilugay ni Lupe ang mahabang buhok at hinayaang matakpan ng kanyang bangs ang noo. Nang makitang medyo di na halata ang mata ay tumakbo na ito palabas ng gate para pumasok sa school.

Pababa na si Lupe ng trycicle ng makita niya si Nicholas. Bumilis ang tibok ng puso niya. Nagkunwari siyang di nakita ang kaklase. Naglalakad na si Lupe ng tawagin siya ni Nicholas. Nakadalawang ulit pa ng pagtawag sa kanya ang lalaki bago niya nilingon. Nang nasa tabi na niya si Nicholas ay nangalog ang kanyang tuhod. Ramdam niya ay parang huminto ang oras. Pumuti ang paligid at silang dalawa lang ang tao. Kung pwede lang sana na kasing haba ng Edsa ang hallway papunta sa room nila. Kahit ata maglakad pa siya hanggang sa makarating ng Bulacan ay di siya mapapagod basta katabi lang niya si Nicholas..

Will you love me, again?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon