Chapter 4 (Seduce)

6.2K 151 0
                                    

Lupe's pov:

Wow!, gumanda ako ng 10 points!...ang lapad ng ngiti ko dahil sa nakita kong reflection sa salamin. Bumagay sa akin ang gupit ko. Bukas pagpasok ko, hopefully mapansin ni Nicholas ang beauty ko. Hay nako!, ganito pala magka crush.…

Hapon, nanonood ako ng t.v.  ng may nag doorbell. Inutos ni Mommy na buksan ko ang gate dahil  iyon na raw ang kababata nila ni Daddy.."wait lang Mommy, matatapos na tong pinapanuod ko eh", sagot ko sa kanya..."ikaw talaga napaka tamad mo!", sabi niya sabay mahinang kutos sa ulo ko.."Mommy naman eh, sige ka pagka nagka amnesia ako di na ako ang magiging valedictorian", pananakot ko sa kanya..dahil sa sinabi ko ay hinimas-himas na niya ang ulo ko tapos ay siya na ang nagbukas ng gate. Nangiti ako, kayang kaya ko talaga mag lambing kay Mommy.

Di ko napansin ang mga dumating na bisita, panu naman ay ang ganda na ng eksena sa pinapanuod ko dahil patapos na nga. Kausap na ni Daddy at Mommy ang mga visitor nila ng masilip ko sa bintana. Nasa garden sila. Nag commercial kaya napatingin ako. Tinawag ako ni Daddy..nakakainis!.. kapag si Daddy na eh di na ako makakalusot. Disgrasya ang allowance ko pag na badtrip ko siya. Kaya napilitan akong iwanan ang pinanonood ko. Lumapit ako sa kanila.

Will you love me, again?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon