Hindi umiimik at seryosong nakikinig lang ang dalawa kay Nic.
Patrick's pov:
Naniniwala ako sayo pareng Nic. Pagdating sa kaibigan na humihingi ng tulong ay di ka talaga nakakatanggi lalo na kung alam mong may magagawa ka para makatulong. Napansin kong malaki ang ihinumpak ng pisngi mo, kaya sigurado ako na pinoproblema mo ang nangyayari.
Edward's pov:
Naniniwala ako sa dahilan mo Nic, kilala kita. Sa ating lima ay ikaw ang pinaka emosyonal at maalalahanin. Ngayong malinaw na sa akin ang mga pangyayari ay mas lumaki pa ang respeto ko sayo bilang kaibigan ko.
Naputol ang pagmu muni-muni ni Patrick at Edward ng muling magsalita si Nic.
Nic's pov:
"Inaayos na ni Dayton ang mga papel nila ni Andrea para pumunta sa ibang bansa. Doon na sila at ang magiging anak nila. Galing kami sa ob-gyne hindi para magpa check up kundi para makausap ni Andrea si Dayton sa telepono. Kaibigan ni Dayton si Dra. Kapag dito tatawagan sa telepono si Andrea ay baka may wiretap din kaya kunyari ay sumakit ang tiyan niya. Nag iingat ako dahil baka may nagmamanman pa rin kay Andrea.....Gusto ko ng matapos to!..,miss na miss ko na si G!.. hindi ko alam kung paniniwalaan niya ako. Nasaktan ko siya pero wala na akong magawa. Nasa point of no return na ako. Gusto ko siyang yakapin kanina, ipaliwanag ang lahat pero baka magtaka si manang Nelda. Hindi alam ni Manang na nagpapanggap lang kami ni Andrea. Limitado ang galaw ko para kahit may magtanong kay Manang ay walang maging problema..Ngayong nandito si G ay lalo akong nahihirapan.. alam kong nasasaktan siya..…… Gusto ko ng matapos ang lahat ng ito..gusto ko ng makasama si G.. ", napayuko na ako para itago ang pagpatak ng luha ko.
BINABASA MO ANG
Will you love me, again?
RomanceAno ba ang akala mo? Everytime na iiwanan mo ako eh para akong tangang maghihintay sa'yo? I loved you and I still do. But right now, I'm tired. I am tired of being in-love with you... Romance/Teenfiction