Chapter 45 (I'm living 4)

4.3K 119 0
                                    

Sa bahay na tinutuluyan ni Nic at Andrea nagpalipas ng gabi ang lima. Hinayaan nilang makatulog at makapagpahinga si Lupe. Ilang araw na itong kulang sa tulog at kain. Nalaman na rin nila Jackie at Jean ang kinasuungang sitwasyon ni Nic at sila man ay nakaunawa sa pinagdadaanan ng kaibigan.

Lupe's pov:

Madilim dilim pa ng magising ako.  Nakita kong mag aalas singko pa lang ng umaga, nang tignan ko ang relos na suot. Nagmamadali akong bumangon ng maalala kung nasaan ako. Nakatayo na ako at papunta na ng pintuan para lumabas ng makita kong nakaupo si Nic sa sahig. Nakasandal ang ulo nito sa gawing paanan ng kamang hinigaan ko.

Marahil ay naramdaman niya na bumangon na ako kaya bigla siyang tumayo.

"G, let me explain, please..", sabi ni Nic.

"Not now Nicholas!…", pagalit ang tono ko kahit mahina ko lang iyon sinabi.

Napahinto ng paglapit si Nic sa akin.

"G…", tawag niya sa pangalan ko parang nakikiusap at humakbang siyang palapit sa akin.

"Stop!…… ayaw kitang kausap..... ayaw kitang marinig… ayaw kitang maamoy… ayaw na kitang makita… ni anino mo ayoko ng makita…… 

I loved you and I still do but I'm tired. I am tired of being in love with you!.", naiyak ako kaya tinalikuran ko na siya para lumabas ng kwarto. Masamang masama ang loob ko sa pagbalewala niya sa akin.

Napihit ko na ang door knob ng yakapin ako ni Nic habang nakatalikod.

"G…", pabulong na tawag niya sa akin.

"I'm living Nicholas…", pagkasabi ko nun ay lumabas na ako ng pinto.

Nakita kong nakatayo na sa may sala ang mga kaibigan ko.

"Are you alright?. Aalis na ba tayo?.", tanong ni Patrick.

Nang tumango ako ay nag paalam na sila kay Nic. Hindi ako lumilingon, nang umandar ang sasakyan palayo ay huminga ako ng malalim.

Tahimik lang ang mga kasama ko at nakikiramdam. Bumalik na kami sa bahay ng parents ni Jean. 

Pagkatapos ng ilan pang usapan at kainan ay nagpaalam na kaming babalik na ng Manila....

Gabi na ng makarating kami ng Manila. Inihatid nila ako sa unit ko.

"Gusto mo dito kami matulog ni Jean?.", tanong ni Jackie sa akin.

Umiling ako at nakangiting sinabi…"Pahinga na rin kayo, masyado ko na kayong naabala."

"That's what friends are for Lupe.", nakangiting sabi nila sa akin.

"Tawag ka lang ha if you need us…", malambing na sabi ni Jackie.

"Thank you guys, pakisabi na rin kay Patrick at Edward.", sabi ko.

Isinara ko na ang pinto ng umalis na ang dalawa. Pagod na pagod ang pakiramdam ko....


Will you love me, again?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon