Lupe's pov:
Lasing na lasing si Nic... Nasobrahan daw sabi ni Louie habang nakangiti. Kunyari ay di ko naintindihan ang gustong sabihin ng ngiting yon.
Tapos na ang party...
Nag uwian na lahat ng bisita. Nakaalis na rin ang iba pa naming mga kaibigan. Kami na lang ni Nic, Louie at Rosemarie ang natira.
Hinayan lang muna namin makapagpahinga si Nic para mabawasan ang kalasingan at saka kami nag decide na umuwi.
Inalalayan ni Louie si Nic para makasakay ng kotse. Wala akong dalang kotse kaya ang kotse ni Nic ang gagamitin ko pauwi. Ako ang magda drive dahil lasing ang may ari at makikisabay lang naman ako. At dahil na rin sa iisang building lang naman ang inuuwian namin.
Nakakuha din ng isang unit si Nic sa 4th floor. Apat na unit lang ang pagitan namin. Unang madadaanan ang unit niya. Bandang dulo kasi ang sa akin.
Nang buhayin ko ang makina ng kotse ay kumaway na si Rosemarie at Louie sa akin. Gumanti ako ng kaway at tuluyan ng pinaandar ang sasakyan palayo.
Habang nasa byahe ay pasulyap sulyap ako kay Nic. Nakapikit siya habang nakasandal. Nangiti ako... may idea kasi ako kung bakit siya naglasing.
Nang makita ako ni Nic na kasama si Vassath kanina ay nag iba ang itsura niya. Parang galit!
Napansin ko rin na bigla siyang nawalan ng gana. Nakakunot pa ang noo niya habang kinakamayan si Vassath. Ang sama pa ng tingin niya. Habang kinakausap nila Rosemarie, Jean at Sussy si Vassath ay nakita ko silang pumunta sa likuran ng shop. Sumunod si Jackie sa kanila at sinenyasan ako na nag iinuman na ang mga guys. Nagtaka ako. Maaga pa kasi para mag inuman. Nang lumapit sa amin si Jackie ay may ibinulong siya sa akin... ''Naglalasing!.. Siguro nagseselos diyan..'', sabay nguso kay Vassath.
Nangiti ako na maalala ko ang sinabing yon ni Jackie... Pero agad ko rin sinaway ang sarili ko.
"Feelingera!...", pintas ko sa sarili. At iniliko ko na ang manibela papasok ng parking area.
Bago tuluyang patayin ang makina ng kotse ay natigilan uli ako. Hindi ko pa nakita malasing si Nic, ngayon lang. ''Nagseselos ba siya?''..... at muli akong sumulyap sa katabi ko. Naiiling akong bumaba ng kotse.
"Kulas,..... we are here!", gising ko sa kanya. Nagdilat siya ng mata. Pagkakita niya sa akin ay ngumiti siya. Nakaalalay ako sa kanya hanggang makapasok ng unit niya.
BINABASA MO ANG
Will you love me, again?
RomanceAno ba ang akala mo? Everytime na iiwanan mo ako eh para akong tangang maghihintay sa'yo? I loved you and I still do. But right now, I'm tired. I am tired of being in-love with you... Romance/Teenfiction