Chapter 35 ( mine)

3.4K 111 0
                                    

Nic's pov:

Napahinto ako ng paghalik kay G... naramdaman ko na may luhang pumatak sa mata niya.

"Why?...", masuyo kong tanong sa kanya..

"Masaya lang ako...", sagot niya sa akin.

Na touch ako sa sinabi niya. Patuloy ang pagpatak ng luha niya. Maya-maya ay humagulgol na siya.

Natataranta akong napa upo at iniupo ko rin siya paharap sa akin.

"I'm sorry G kung ngayon lang... ", sabi ko

Tumango-tango si G... umiiyak pa rin.

Inangat ko ang mukha niya at masuyo kong hinalikan ang namumulang labi ni G na kanina pa niya kinakagat. She kiss me back.

"I love you G......''

"I love you too"

Hinalikan ko uli si G... buong ingat...buong pagmamahal...

Sandali lang ang halik na ginawa namin. Ako na mismo ang huminto. Ngumiti sa akin si G. May tiwala siya sa akin.

Ayokong madarang kami pareho kung ipagpapatuloy ko ang paghalik sa kanya. Lalaki ako ,at gusto ko siyang maangkin ng buong-buo. Ipadama ang pag ibig na nararamdaman ko para sa kanya pero hindi pa ngayon. Hindi pa handa si G.

Tama na muna ang ganito. Masaya na ako. Sa wakas ay nasabi ko na sa kanya na mahal ko siya...

Lupe's pov:

Mula ngayon ay hindi mo lang ako bestfriend kundi girifriend pa.. I will treat you well, Nic. I love you!

Salamat sa ginawa mong pag pipigil kanina. Kahit alam mong kung itutuloy mo ay papayag ako. Salamat ,Nic...

I love you... goodnight!

Will you love me, again?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon