Chapter 29 (Imbestiga 3)

3.3K 115 0
                                    

Nic's pov:

Inubos ko uli ang laman ng baso sa harapan ko bago ako nagsalita.

"Tama kayo, mahal ko si G. Pero wala akong lakas ng loob na sabihin yon sa kanya. Natatakot ako. Baka hindi ko siya makayang alagaan kapag naging kami na. Baka mauwi lang sa wala pati ang pagkakaibigan namin.", umeese na sabi ko sa kanila.

Ramdam ko ang tama ng alak sa akin. Nakaramdam ako ng hilo. Pero gusto ko pa rin uminom.

"Sa tingin mo ba kung hindi mo susubukan ay hindi siya mawawala sayo?", tanong ni Jason sa akin.

"Pareng Nic, tingin namin ay mahal ka din ni Lupe, naghihintay lang yun na magtapat ka.", sabi ni Patrick.

"Huwag ka matakot sa isang bagay na hindi pa dumadating. What if hindi mangyari ang kinatatakutan mo? Sasayangin mo na lang ba ang mga panahon na pwede pala kayong maging masaya?", sabi ni Edward.

"Magkaiba si Lupe at si Andrea (first love ni Nic). Bakit mo pinapahirapan ang sarili mo ?", sabi ni Louie.

"Tingin nyo ba pwedeng maging kami?.. panu yung Vassath na yun? Baka dumidiskarte na yun kay G..", ngongo na ang dinig ko sa boses ko.

"Wala yun… talo mo yun. Tutulungan ka namin!", nadinig kong sinabi nila.

Yun lang at wala na akong namalayan pa sa paligid ko..

Will you love me, again?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon