Chapter 8 (Selos)

4.9K 125 0
                                    

Nagmamadali si Lupe, pumipili siya ng damit. Hindi nakapasok si Nicholas kanina, kaya pagkagaling ng school ay pupuntahan niya ito. Nakapili na siya ng isusuot. Mabilis niyang pinalitan ang school uniform na suot. Isang kulay pulang blouse at puting short ang napili niya. Bagay sa kanya ang kulay pula dahil maputi ang kanyang balat. Nag spray pa siya ng paborito niyang cologne (actually si Nicholas ang may sabi na mabango ang cologne na yon).

Bago umalis ay tinignan pa uli niya ang reflection sa salamin na malapit sa pintuan. Nang masiyahan sa nakitang itsura ay nagmamadali na itong lumabas bitbit ang isang malaking orange na kinuha niya sa loob ng ref.

Hindi naman kalayuan ang bahay nila Nicholas. Naisipan niyang lakarin ang pagpunta doon. Nang nasa gate na siya ay nakita agad siya ng Mommy ni Nicholas. Kumaway agad ito sa kanya at nakangiti siyang pinagbuksan

"Hello po tita Belle...", nag kiss siya sa pisngi nito. "Kanina ka pa iniintay ni Nic (nic ang tawag ng mga magulang kay Nicholas)", sabi nito. "Nasaan po siya tita?", tanong niya.."nasa room niya", sabi uli ng tita Belle niya. Tumakbo na siya papunta sa kwarto ni Nicholas. May sasabihin pa sana ang tita Belle niya sa kanya, kaya lang ay nakatakbo na siya...

Will you love me, again?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon