Chapter 16 (forever)

4.1K 119 2
                                    

Nagmamadali ang paglakad ni Jackie at Rosemarie..nakapaskil na daw sa bulletin board ang list of honor students ng buong highschool.

Dikit ang grades nila Lupe at Romina. Hindi in-announce ni mam Tenorio kung sino ang nag top 1, kaya ng may nagbalita na may nakapaskil na ay umuna na sila sa pagpunta.

Nagulat pa sila ng makitang nandun na si Patrick at Louie. Nakikipag siksikan na ang dalawa.

"Tignan mo si Louie, nakatingkayad pa talaga.! As if naman may nakakaharang pa sa kanya.'', nagtatawang sabi ni Jackie kay Rosemarie.

"Eh tignan mo si Patrick o, tignan mo daliii...", sabi naman ni Rosemarie.

Napatalsik pa ang laway ni Jackie sa pagpigil na matawa pero natawa pa rin siya. Sinabayan na nila ang isa't isa sa pagtawa.

"Anong meron, at tawa kayo ng tawa ha?", tanong ni Sussy. Katabi nito si Lupe at Jean. Nakatayo naman sa likuran ng mga ito si Edward, Jason at Nicholas.

"Pano naman kasi si Patrick...", natatawang sagot ni Rosemarie na di na natapos dahil natawa na naman sila ni Jackie.

Hinanap ng mata nila si Patrick, nakita nila na pinaliit nito ang sarili para makasingit sa unahan ng mga estudyanteng nagkukumpulan sa bulletin board. Kaso lang ay na pagitnaan ito ng parehong matabang estudyanteng babae na kaeskwela nila. May amoy ang kili-kili ng mga ito.....

Nagtawanan na silang lahat sa itsura ni Patrick...pano naman kasi ay nakasuot ang hintuturo at hinlalato nito sa magkabilang butas ng ilong nito. At kapag natutulak ng nasa likod ay nagmumukang ilong na ng baboy.

HA!HA!HA!, malakas nilang tawanan..

Nang marinig ang boses ng nagtatawanan ay authomatic na napalingon si Patrick at Louie. At nakita nila ang mga kaibigan sa di kalayuan na nakatayo at nagtatawanan.

Will you love me, again?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon