Chapter 22 (missing you)

4K 119 0
                                    

Lupe's pov:

"Bye!… ingat sa pag drive everyone!", kumakaway pa si Jason at Sussy habang hinahatid kami ng tanaw.

Kanya-kanya na kami ng alis. Jackie is with Patrick.... Isang pulang honda civic ang kotse ni Patrick.... Wala pang lisensiya si Rosemarie kaya nag offer ng ride si Louie.... Isang black pajero ang sinakyan nila. Si Jean ay ihahatid naman ni Edward na ang sasakyan ay isang big motorcycle.

Nung una ay ayaw ni Jean umangkas sa motor ni Edward. Natatakot daw siya, pero dahil sa pangungumbinsi ni Edward ay pumayag na rin ito. Very sexy ang dalawa ng nakasakay na. Mabuti na lang at naka black jeans si Jean kaya di naging hassle ang pag backride niya with Edward.

At si Nick naman ay nakisakay sa kotse ko.

Galing daw kasi siya ng airport at dumirecho na sa restobar kaya walang dalang sasakyan. May dalawang travelling bag pa nga ang "mokong" na inuna ng ilagay sa compartment ng kotse ko kanina pagdating pa lang ng restobar.

Siya ang nagmaneho, at habang nasa byahe kami ay panay pa rin ang masaya naming kwentuhan.

"May bakante pa bang unit sa building ng condo mo?", tanong niya.

"Di ko sure if meron pa, ask ko sa frontdesk tomorrow.", sagot ko habang hinihinaan ang aircon ng kotse.

"Do you feel cold?", tanong niya

"Yeah a little…", sagot ko

"Come…", sabi niya sa akin at ibinuka ang braso para iusod ako palapit sa kanya.

Natawa ako, "come ka dyan!.. Ayoko pang machugi ha!.. pano ka makakapag drive ng maayos kung sisiksik ako sayo aber?", nakangiti kong tanong sa kanya.

Natawa din siya sa sinabi ko.

"Kala ko makakalusot eh...", at sinabayan niya ng tawa.

Natawa rin ako. Maya-maya pa ay nagtanong siya ulit.

"Kamusta sila tita (reffering to my mom and dad)?"

"Ok naman sila. Si Mommy busy sa bakeshop niya at si Daddy naman handsome ang still macho.", at sinabayan ko ng tawa. Mataba kasi si Daddy at medyo napapanot na.

"Hala ka isusumbong kita kay tito...", nakangiti niyang sabi.

"How's tita Belle and tito Mon? Kelan sila babalik dito sa Manila?", tanong ko uli.

"I don't know exactly, but sooner they will.", sagot niya.

"Miss na siya ni Mommy at si  tito Mon miss na rin ni Daddy.", malungkot kong sabi habang sa labas ng bintana nakatingin.

Nang lumingon ako sa gawi ni Nic ay nakita ko siyang malungkot na nakatingin sa akin.

Tatanungin ko sana siya kung bakit, kaya lang ay papasok na kami ng parking area ng building kung saan ako may hinuhulugang unit.

Inimbitahan ko siyang mag coffee sa unit ko, kaya sabay na kaming sumakay ng elevator.

"Wow!... ang ganda ng unit mo!... ang ganda ng view dito.", nasa terrace siya at pinapanood ang mga ilaw sa tapat nito.

Lumapit ako sa kanya dala ang dalawang tasang kape na umuusok pa.

"Thank you…", sabi ni Nic ng iabot ko sa kanya ang tasa.

Nakitingin rin ako sa tinitignan niya, habang humihigop ng kape.

Muntik ko ng mabitawan ang tasa ng kape ng yumakap siya sa akin.

"Diyan ka pa uminom ng kape eh ayan at giniginaw ka na nga. Dun na tayo sa loob.", bumitaw siya ng pag yakap sa akin at kinuha ang hawak kong tasa. Pagkapasok namin ay iniabot niya uli sa akin ang kape ko at naupo na sa tabi ko.

Will you love me, again?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon