Sussy's pov:
Nagtayo ng Internet Shop si Rosemarie ilang kalye mula sa RestoBar namin ni Jason. Hndi na siya bumalik ng Dubai dahil na rin sa pakiusap ng mga magulang niya.
Opening mamaya ng shop niya kaya dapat ay nandun kami lahat. Maaga pa lang ay binilinan ko na ang mga tauhan ng Resto.
"Babe, anong tingin mo kay Louie, seryoso ba talaga siya kay Rosemarie o pandagdag lang sa girl collection niya ang kaibigan natin?", tanong ko kay Jason habang inaayos ang mga resibo na nasa ibabaw ng mesa
Napahinto si Jason sa ginagawa niya sa harap ng computer.
"Babe, baka nakakalimutan mong kaibigan din natin si Louie. High school palang tayo may tama na si Louie kay Rosemarie. Di lang makaporma kay Rosemarie yung tao dahil lagi siyang tinatarayan. After college nag Dubai naman kaya para makalimutan si Rosemarie ay babae dito babae doon ang ginawa. Wala namang nagtagal di ba? Pero ngayong nandito na si Rosemarie tiyak na babakuran na siya ni Louie. Tingin mo ba may pag asa si Louie kay Rosemarie? " tanong ni Jason sa akin.
"Siguro, kung seseryosohin ni Louie ang panliligaw ay baka may pag asa.", kunwaring sagot ko kay Jason. Kahit alam ko na meron talaga!
"Mukang nagkakaigihan na rin si Edward at Jean. Nung minsang magkita kami ni Edward ay papunta daw siya kay Jean, nagmamadali pa nga eh. Hindi kasi kami makapag inuman para makapag kwentuhan. Puro busy. Buti nga at kapag sabado ay nagkakasama sama tayong lahat dito kahit sandali.", mahabang reklamo ni Jason.
"Kami nga ring girls di makapag bonding, puro busy din. Di mag meet ang free time namin.. hay naku!", reklamo ko rin.
"Si Nic nga pala Babe, may gf na kaya siya na ayaw aminin sa atin? ", tanong ko uli.
"Wala pa yun, alam naman nating lahat na pagkatapos ma broken hearted sa first love niya ay hindi na uli nanligaw yun. Kay Lupe lang laging nakadikit yung tao na yun.", walang anumang sagot ni Jason sa akin.
''Sa tingin mo ba may pagtingin si Nic kay Lupe higit pa sa pagiging bestfriends?", tanong ko uli.
"Lalake rin ako Babe…kahit di nagsasalita si Nic sigurado ako na mahal niya si Lupe. Kung bakit di niya masabi... yun ang di ko rin alam. Kaya wag mo na akong imbestigahan, pasimple ka pa ha..halika nga dito!", nagtawa ako ng nagtawa hindi dahil sa nakikiliti ako. Kundi kasi nabuko ako sa pag iimbestiga sa kanya.
BINABASA MO ANG
Will you love me, again?
عاطفيةAno ba ang akala mo? Everytime na iiwanan mo ako eh para akong tangang maghihintay sa'yo? I loved you and I still do. But right now, I'm tired. I am tired of being in-love with you... Romance/Teenfiction