Chapter 37 (reminisce 2)

3.2K 106 0
                                    

Lupe's pov:

Kapag bumanat talaga ng patawa si Patrick ay blockbuster. Kwelang kwela talaga. Kaya nagustuhan siya ni Jackie dahil bukod sa malambing ito ay malakas pa ang sense of humor.

"Eh yung itsura ni Patrick nung tinitignan namin yung top 1 sa bulletin board naalala nyo?", tanong ni Louie.

Nagkatawanan na uli ng maalala namin ang itsura noon ni Patrick.

"Malayo pa ang hollyweek nagpipinetensya na ako sa dalawang may putok na yon!…yuck!", umaarteng sabi ni Patrick.

Nagkakandaiyak na ako sa katatawa kaya kumuha si Nic ng tubig at pinainom sa akin.

"Kamusta na kaya ang mga yon?", natatawa pa ring naitanong ni Edward.

"Si Romina kaya kamusta na?..", tanong ni Jean.

"Huling balita ko nag japan. Mayaman na yun ngayon..", sabi ni Sussy.

"Natatandaan nyo ba kung pano namatay yung halaman ni  Mam Tenorio?", tanong ni Rosemarie.

Napayuko ako ng maalala ko ang sinabing yun ni Rosemarie.

"Pinilipit ng pinilipit ni Lupe yung halaman na yon ng makita niyang magkausap si Nic at Romina. Trip kasi ni Lupe ay leeg yon ni Romina.", sabi ni Sussy.

"Kaya ang kawawang halaman nakalbo na nga eh nabunot pa sa paso.", singit ni Rosemarie.

Nagtawanan na naman kami. Madami pa kaming binalikang mga kalokohan noong nag aaral kami. At halos lahat kami ay nabusog na sa katatawa..

Nang biglang umutot ng malakas si Patrick..

Puuuutttt!.... "ang baho!!", halos sabay-sabay naming sigaw… habang nakatakip kami ilong…

Will you love me, again?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon