JS PROM NIGHT...
Nang dumating si Lupe at Nic ay nandoon na ang mga kaibigan nila. Maliwanag at ang ganda ng arrangement ng mga tables and chair sa oval.
May iba't ibang kulay na nagmumula sa mga ilaw na nagpapatingkad sa mga gown na suot nila. Malaki ang iginanda nilang lima dahil sa make up at ayos ng buhok. Ang mga partner nilang boys ay mas lalong naging pogi sa disenteng ayos at damit.
In-enjoy nila ang gabi...walang tugtog na pinalalampas. Kapag napagod ay saka lang magsisiupo.
"Si Nic?..", tanong ni Louie sa kanila.. "Di ba kayo ang magkasama kanina para kumuha ng foods natin?", sagot na tanong ni Rosemarie.. "Kausap ni Romina", singit na sagot ni Patrick.. "Ayun sila o", turo ni Edward. Sabay-sabay pa silang napatingin sa itinuro ni Edward.
Nagtinginan ng lihim sila Jean, Sussy, Rosemarie at Jackie. Paano kasi, nakahawak sa braso ni Nic si Romina.
Magkadikit na magkadikit na nga ay panay pa ang bulong nito sa lalake. Tapos ay tatawa na parang sinusundot sa kili-kili. Hindi man magpahalata ay alam nilang nasasaktan si Lupe sa napapanood na eksena.
BINABASA MO ANG
Will you love me, again?
RomanceAno ba ang akala mo? Everytime na iiwanan mo ako eh para akong tangang maghihintay sa'yo? I loved you and I still do. But right now, I'm tired. I am tired of being in-love with you... Romance/Teenfiction