Madalas ay sa bahay nila Lupe gumagawa ng project or home study ang sampu. Madalas ay magkaka grupo sila. Maingay at makukulit sila kapag nagkasama-sama. Kaya madalas ay nauuwi sa harutan at kung anu-ano ang pag gawa nila ng project. Hinahayaan lang ng Mommy ni Lupe ang kaingayan nila. Alam nito na pawang mababait at masipag mag aral ang mga kaibigan ng anak.
Isang hapon ay dumating si Nicholas sa bahay nila Lupe. Masama daw ang pakiramdam ng binata. Nanginginig ito at pulang-pula ang mukha. Nang salatin ni Lupe ang noo nito ay napaka init. May lagnat si Kulas!..
Pinapasok ni Lupe si Nicholas kwarto niya. Pinahiga niya ito at nagmamadaling kumuha ng gamot. Matapos painumin ng biogesic ay pinunasan niya ang mukha, leeg at mga braso ng lalaki. Nakapikit ito,marahil ay nakatulog na sa sobrang sama ng pakiramdam. Nang dumating ang Mommy niya ay sinabi niya ang kalagayan ni Nicholas. Nag aalalang pumasok ito sa kwarto ni Lupe para kamustahin ang anak ng bestfriend niya. Nang masalat na mainit pa ang noo ng binata ay mabilis itong nagpunta ng kusina para magluto ng sopas.
Kinakain na ni Nicholas ang sopas, wala na itong lagnat. Gumanda na ang pakiramdam ng binata kaya nagpaalam na siyang uuwi. ..Nahihiya si Nicholas sa pang aabala na nagawa niya kay Lupe at sa mommy nito. Hindi pumayag ang Daddy ni Lupe na umuwi mag isa si Nicholas kaya inihatid nito ang binata.Hawak pa ni Nicholas ang kamay ni Lupe ng magpasalamat. Maya maya ay hinatid na ng Daddy niya ang binata sa kanila.. Kumaway pa ito bago tuluyang sumakay sa kotse...
BINABASA MO ANG
Will you love me, again?
RomanceAno ba ang akala mo? Everytime na iiwanan mo ako eh para akong tangang maghihintay sa'yo? I loved you and I still do. But right now, I'm tired. I am tired of being in-love with you... Romance/Teenfiction