Chapter 19 (with you)

4K 124 0
                                    

"Cheers!"..............

Lupe's pov:

"Nakumpleto din tayong lahat after 7 years!", masayang sabi ni Patrick sa aming lahat.

Tama siya, 7 years na nga ang matuling lumipas. Parang kelan lang ay nagkukulitan pa kaming lahat. Ngayon ay may mga trabaho na kami after graduated from college. Actually every saturday ay nagba bonding kami dito sa restobar ni Jason at Sussy. College days pa lang ay naging mag on na sila. Nang makagraduate ay nagtayo sila ng negosyo. Magkasosyo silang dalawa.

"Buti pa itong si Jason at Sussy, hawak ang oras nila. Sila ang boss eh!", kantyaw ni Louie.

"Ano ka, akala nyo lang yan!  Itong si Sussy na ata ang pinaka mabagsik na boss. Walang restday dito Louie, puro trabaho lang. Hindi na nga kami nakakapag date man lang.", reklamo ni Jason.

"Date pa eh lagi na nga tayong magkasama. Saka gastos lang yun. Dito na lang tayo mag date, bibigyan pa kita ng discount.", natatawang sagot ni Sussy.

Nagkatawanan kaming lahat sa sinabi ni Sussy.

"Tama si Sussy, business is business.", naka thumbs up pa na komento ni Jackie.

"Masuwerte ka talaga kay Sussy, aba eh mabilis kayong yayaman! ", sabad ni Edward.

Ang lakas ng tawanan naming lahat.

"Buti talaga at nakulit ko ang boss ko na dito na ako sa Manila i-assign. Miss na miss ko na itong ganitong tawanan. I really miss you guys!", sabi ni Nic.

"Ako din… sobrang miss ko na ang ganito na magkakasama tayo.", madamdaming sabi ni Jean.

"Ako nga rin, ok sa Dubai pero mas ok dito sa Pilipinas kasi magkakasama tayo.", sabi ni Rosemarie.

Na touch na kami lahat sa mga sinabi ni Jean, Rosemarie at Nic. Kaya nauwi sa iyakan tapos ay tawanan ulit. Para lang kaming may mga sayad.

Nakikitawa lang ako habang kumakain. Nagkukunwaring di ako apektado ng pagdating ni Nicholas.

Will you love me, again?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon