Chapter 39 ( see you soon)

3.7K 115 0
                                    

Lupe's pov:

Nanginginig ang mga kamay ko na nakahawak sa manibela habang sinusundan ang kotse ni Nic. Gusto kong umiyak para mabawasan ang bigat sa dibdib ko. Pero walang luha na lumalabas sa mga mata ko.

Huminto sa tapat ng isang bahay ang kotse ni Nic. Huminto din ako sa di kalayuan. Sapat para makita ko siya. Bumaba si Nic, umikot sa kabila ng kotse at ipinagbukas si Andrea ng pintuan. Nakita kong inalalayan pa niya ito sa pagbaba.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Nasasaktan na ako ay di pa rin ako makaalis at pinanonood ko pa sila.

Nag doorbell si Nic. Maya-maya ang bumukas ang gate. Nakita kong pumasok si Nic habang nakahawak pa sa likuran ni Andrea. Napakasakit!...

Naghintay pa ako sandali at nagbakasali na lumabas din agad si Nic. Mag iisang oras na ay walang Nic na lumabas ng gate. Naiyak na ako.

Hindi ko alam kung paano ako nakauwi, pagpasok ko ng unit ko ay sinubukan kong tawagan ang celfon ni Nic.

''The number you …………sabi ng operator. Nakapatay ang celfon ni  Nic! Mas lalo akong nag isip ng kung anu-ano.

"Shit!…Shit!…", nag iiyak na ako.

Hindi ako makatulog. Naghihintay akong tawagan  niya. Dati-rati ay palagi siyang tumatawag o kaya ay pinupuntahan ako.

Hindi na ako nakatiis tinawagan ko uli siya... naka off pa rin ang celfon niya...

Pinuntahan ko ang unit niya. Nagbakasakali na nasa loob siya... pero wala si Nic.

Masamang masama ang loob ko. Kasama niya si Andrea... kasama niya ang first love niya!.. Kinain na ng sobrang selos ang utak ko. Bumalik ako sa unit ko. Direcho sa lagayan ng mga alak. Pumili ako ng pinaka matapang at tinungga ko ng tinungga. Kailangang malasing ako....

"Ahh…… ang sakit ng ulo ko!"... Umaga na pala, naglalagos na ang sikat ng araw sa bintana na di ko na nagawang isara kagabi. Naalala ko si Nic..nagmamadali akong tinignan ang celfon ko kung tumawag ba siya or nagtext.

3 missed call...

may text sa inbox ko..

cnt go back yet G...miss you so much..
See you soon...i love you

Naiyak ako... masama ang loob ko kay Nic pero dahil sa text na nabasa ko ay nawala na ang galit ko. Pumalit ay ang pag aalala sa kanya.

Siguro ay may problema siyang inaayos. May tiwala ako kay Nic. Nagtext ako kay Nic..

Hope ur fine, take care.. i miss you too...
I love you ...

Will you love me, again?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon