Chapter 30 (perfect timing)

3.3K 116 0
                                    

Jackie's pov:

Di ko maintindihan kung maiinis ako o maaawa kay Nic. Matapos kong marinig ng di sinasadya ang pag uusap nilang mga guys.

Kaya ng makapag solo kaming dalawa ni Patrick ay kinausap ko agad siya.

"Obvious na mahal din niya si Lupe pero parang napaka childish naman ng reason kung bakit hindi niya masabi.", sabi ko kay Patrick.

"Alam naman natin pare- pareho kung ano ang pinagdaanan ni Nic sa ex niya di ba? Even Lupe knew about it. ", sagot ni Patrick.

"Ang sabihin mo duwag yang kaibigan mo!", singhal ko.

"Hon,…kapag ayaw mong mawala sa iyo ang isang taong mahal mo ay talagang matatakot kang makagawa ng isang bagay na baka maging reason para mawala siya.", nagpipigil mainis na sagot sa akin ni Patrick.

"I don't think so, Hon… Kapag mahal mo ang isang tao at ayaw mo siyang mawala, dapat ay kumilos ka hangga't maaga. Dapat mong i take ang risk and do the best you can para maalagaan ang mahal mo. Kahit harangan ka pa ng sibat ay di ka dapat matakot kasi nga ayaw mong mawala siya sa iyo. At saka di talaga naiiwasan ang mga tampuhan at mga problema. O eh di harapin nyong dalawa na magkasama!", mahabang sagot ko kay Patrick.

Uminit bigla ang ulo ko kaya medyo na carried away ako.

Lumapit si Patrick at niyakap ako...

"Gaya ko, Hon?..", malambing na tanong niya sa akin habang  hinahalik-halikan ang buhok ko.

"Yeah!., gusto kong maging masaya rin si Lupe, Hon. Tulungan natin sila ha.'', nakayakap kong pakiusap kay Patrick.

"Oo naman , Hon... gusto ko rin maging masaya si Nic. Alam natin pareho na mahal nila ang isa't isa. Gagawan natin yan ng magandang plano. Meanwhile..., kumuha muna tayo ng pagkain. Nagugutom na naman ako eh.", ungot ni Patrick sa akin habang himas himas ang tiyan.

Natawa ako sa itsura niya kaya sumama na ako ng hilahin niya ang kamay ko papunta sa mesa ng mga pagkain.

Will you love me, again?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon