Nang mawalan ng malay si Lupe ay binuhat ito ni Nic at ipinasok sa kwarto niya. Ihiniga niya sa kama ang babae at kinumutan. Hinaplos ni Nic ang namayat na mukha ni Lupe. Bago lumabas ng pintuan ay hinalikan niya ang labi ng dalaga..."I'm sorry G…I love you!..". Nakita at narinig ni Jean at Jackie ang tagpong iyon...at lumabas na si Nic.
Nic's pov:
Inaya ko sa terrace si
Patrick at Edward. Malamig kaya tamang-tama na pampainit ang alak na dinala ko. Tahimik lang sila habang iniinom ang laman ng baso. Alam kong kanina pa nila gustong marinig ang sasabihin ko. Nakatingin sila pareho, at kahit di nagsasalita ang mga mata naman nila ay nagtatanong. Nag umpisa na ako magsalita
"Nakiusap sa akin si Dayton, kaibigan ko sa Bora. Anak siya ng may-ari ng halos karamihan ng resort sa Bora. Tumawag siya sa akin at humihingi ng tulong. Girlfriend niya si Andrea pero may babae ng napili ang parents niya para pakasalan niya. Si Ashley Ortega. Ang ama niya ang kinatatakutan ng mga negosyante sa Bora. Maimpluwensya kasi. Hindi tumutol nung una si Dayton sa plano ng mga magulang niya. Pero ng makikilala si Andrea ay nagbago ang isip si Dayton. Si Andrea ang gusto niyang pakasalan. May nag tip kay Dayton na alam na ni Ashley na dahil sa ibang babae kung bakit umiiwas sa kanya si Dayton kaya pinahahanap niya kung sino ang babae para ipapapatay. Spoiled brat si Ashley at kahit mali na ang ginagawa ay pinagtatakpan ng mga magulang. May nagsabi kay Dayton na pinasusubaybayan na ni Ashley si Andrea. Alam ni Dayton na naging girlfriend ko si Andrea kaya nakiusap siya na magpanggap kami na magka live in para mailigaw ang atensyon ni Ashley. Kailangang mapaniwala namin si Ashley na ako ang boyfriend ni Andrea at hindi siya. Panandalian lang ang pagpapanggap na gagawin namin, nagbago ang usapan na yon ng di agad naniwala si Ashley, naka wiretap ang mga celfon namin kaya napilitan akong wag kontakin ang kahit na sino para wala ng madamay pa. Even my parents na nag uumpisa pa lang mag business sa Bora. Pati si G di ko kinontak.", paliwanag ko sa kanila.
BINABASA MO ANG
Will you love me, again?
RomantikAno ba ang akala mo? Everytime na iiwanan mo ako eh para akong tangang maghihintay sa'yo? I loved you and I still do. But right now, I'm tired. I am tired of being in-love with you... Romance/Teenfiction