Chapter 40 ( good friends)

3.7K 109 0
                                    

Lupe's pov:

3 days na kaming walang komunikasyon ni Nic...

Para na akong mababaliw sa kaiisip kung bakit di man lang siya nagte text. Hindi ko siya ma contact. Naka off lagi ang celfon niya.

Wala ding alam ang mga guys na kaibigan namin. Nang magtanong si Jackie sa office nila Nic ay nag file daw ito ng vacation leave. Wala din sa Bora si Nic sabi ni tita Belle.

Where are you Nic?...anung nangyayari sayo?..

Nasa opisina ako ng tumawag si Jean...

"Lupe may nakakita daw kay Nic sa Baguio. Sa La Trinidad, kung gusto mo sasamahan kita. Puntahan natin yung pinsan ko. Alam niya kung saan nag i stay si Nic.", aya sa akin ni Jean.

"Salamat Jean... pwede ba mamaya?", tanong ko sa kanya.

"Sure... sasama din daw si Edward, Patrick at Jackie. Para may palitan sa pagda drive..", sabi ni Jean.

"6 hours lang andun na tayo... kung makakaalis tayo after lunch makakarating na tayo dun bago dumilim."

"Okay, daanan ka namin dyan ha."

''Bye''.........

Sa Baguio nakatira ang mga magulang ni Jean. Kaya may matutuluyan kami. Nakapag bakasyon na kaming magkakaibigan sa kanila noon.

Nag undertime na lang ako sa opisina. Nang dumating sila Jean ay nasa exit na ako ng building.

"Nakapag lunch ka na ba?", tanong ni Jean sa akin.

"Wala akong gana...", matamlay kong sagot.

"Here take this...you have to eat.", sabi ni Edward ng abutan ako ng isang slice ng pizza.

"Thank you sa inyong lahat...", naiiyak kong sabi.

Tinapik ni Patrick ang balikat ko. Napansin kong may nakahanda ng jacket sa upuan ko. May extra bag pa na nandoon. Ilang piraso daw yun ng damit ko at undies bulong ni Jackie. Nangiti ako, they are my good friends. Tumawag si Sussy with Jason at si Rosemarie with Louie. Nagbilin na tumawag agad ako at balitaan agad sila...

At umalis na kami papanik ng Baguio City.

Will you love me, again?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon