Chapter 41 ( mag asawa)

4.2K 108 1
                                    

Lupe's pov:

La Trinidad Benguet...

Habang bumababa ng sasakyan ay nangingikig na ako sa ginaw. Sa byahe pa lang ay nagpatay na si Edward ng aircon. Alam nilang kapag nasobrahan ng lamig ay giniginaw agad ako. Nakasuot na ako ng makapal na jacket ay ginaw na ginaw pa rin ako. Hindi lang dahil talagang malamig sa Baguio kundi dahil sa sobrang kaba at excitement na makikita ko na si Nic.

Nasa loob na kami ng bahay nila Jean. Matapos kumain at makapag pahinga ay nagpaalam na kaming may pupuntahan. Hindi na sinabi ni Jean ang talagang pakay namin.

Kasama na namin si Lauro na pinsan ni Jean. Naging kasa-kasama namin siya noong magbakasyon kami. Close din siya sa amin kaya lang mula ng mag asawa ay hindi na kami masyado nagkaka balitaan.

"Hanggang dito na lang tayo. Hindi na makakapasok ang sasakyan diyan.", sabi niya habang nakaturo sa pataas na daan.

Ayon kay Lauro ay humango daw siya ng mga paninda niya sa lugar na yon at doon niya nakita si Nic. Akala daw niya ay kasama ako, kaya ng tumawag si Jean ay nabanggit niya na nakita nga niya si Nic.

Nagmamadali ang mga hakbang namin papanik sa daan. Maliwanag ang kalsada kaya kita ang kagandahan ng paligid. Lalo na ang mga maliliit na tila bituin sa ibaba na nagmumula sa mga ilaw ng mga kabahayan.

Huminto kami sa isang tindahan. Bumili si Lauro ng sigarilyo at saka nagtanong sa tindera.

"Ate, saan po kaya nakatira dito itong kaibigan namin? Naligaw na po ata kami eh.", tanong niya sabay pakita ng litrato ni Nic na hiningi niya sa akin nung nasa bahay pa kami ng mga magulang ni Jean.

Tinignan ng tindera ang litrato at nangiti.

"Hindi kayo naliligaw, diyan silang mag asawa nanunulayan sa kabila. Iyang kulay asul ang gate.", nakangiting turo pa ng ale sa katabing bahay.

"Silang mag asawa?".., nagkatinginan kaming magkakasama sa sinabing yon ng ale.

Muntik na akong matumba sa pagkakatayo ng maramdaman kong nawalan ng lakas ang aking mga tuhod. Mabuti na lang at naagapan akong alalayan ni Patrick.

"Lupe!...", tawag ni Jackie.

"Maraming salamat po ate. Sige po tutuloy na kami.", magalang na paalam ni Lauro sa pinagtanungan.

"Don't jump into conclusion guys... hindi pa natin alam ang totoo.", sabi ni Edward.

"Kailangan ipaliwanag ito ni Nic ng maayos!.", galit na sabi ni Jackie.

"Let's go... puntahan na natin si Nic.", mahinahong aya ni Patrick. Mahinahon man ang salitang yon ay may bigat at diin ng sabihin yon ni Patrick.

Nagtatagis din ang bagang ni Edward ng tumingin ako sa kanya.

"Halika na ng malaman na natin kung ano ang nangyayari!...", galit din na aya ni Jean.

Will you love me, again?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon