Chapter 48 (another chance 2)

4.4K 117 0
                                    

Nic's pov:

Nai park ko na ang kotse ni G. Bumaba na rin siya kaya nagmadali akong salubungin siya. Kinuha ko ang hawak nyang attache case. Tapos ay muli kong hinawakan ang kamay niya. Masayang-masaya ako. Dati, kahit tingin ay di niya magawa sa akin. Napangiti ako...., may pag asang maging kami uli!

Hinatid ko siya sa unit niya....

"G...... naubusan ako ng kape, baka pwedeng...", napakamot ako ng batok. Gusto ko kasi makausap siya kaya sa elevator pa lang ay nag iisip na ako ng magandang dahilan para papasukin niya ako sa loob ng unit niya. Kung bakit kape ang bigla kong naisip..

"Halika pasok ka, magkape muna tayo..", nakangiting sabi niya sa akin.

Nakahinga ako ng maluwag sa paanyayang yon. Nakasunod na ako sa kanya papasok..

Nagtimpla si G ng kape, nakatingin pa rin ako sa kanya...I missed her... Maya-maya ay lumapit si G. Tumayo ako para kunin ang tasang hawak nya. Naupo siya sa malapad na sofa na inuupuan ko. Nakapaharap siya sa akin. Ininom ko ang kape. Ganun din siya. Gumawa ako ng paraan na makausap siya pero di ko alam kung paano magsisimula. Para akong teenager na first time manliligaw.

Naubos na ang kape, tumayo si G at kinuha ang tasa sa ibabaw ng mesa. Pumunta siya ng kitchen. Sumunod ako sa kanya. Nasa likuran niya ako ng bigla siyang umikot pabalik at tinawag ang pangalan ko...

"Kul"... hindi na niya natapos ang sasabihin dahil nagkauntugan kami. Bumagsak ang tasa sa sahig.

"Aw!''... daing ni G habang hawak ang noo.

"Masakit ba?... saan, dito ba?.", tanong ko sa kanya habang hawak ang ulo niya. Walang imik si G, narinig ko ang paghikbi niya...umiiyak si G!.

"Saan, saan ba ang tinamaan ko?..may bukol ba?.", tanong ko ulit sa kanya.

"Na miss ko ang ganito Kulas...", malambing na sabi niya sa akin.

"Lalo na ako G... I miss you so much...", sabay kabig sa kanya. Inakap ko siya ng mahigpit.

"Can you give me another chance, G..will you love me again?", pakiusap ko sa kanya..

Naramdaman kong humigpit din ang pagyakap niya sa akin...


Will you love me, again?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon