Lupe's pov:
''Oh my God!... what time is it?..Shit!...'', napabalikwas ako ng bangon sa kama. Nagmamadali akong lumabas ng room ko.
"Good morning G!...", isang napaka fresh at nakangiting Nicholas ang nasa harapan ko.
Naka suot siya ng apron habang inaayos ang mga pagkain na malamang ay niluto niya.
"Good morning Kulas!.." nakangiti kong bati sa kanya. Pero bigla akong na conscious sa itsura ko. Ni hindi ko man lang na check sa mirror ang mukha ko.
"Come, let's eat...", aya sa akin ni Nic. At inusad niya ang upuan para maupuan ko.
"Wow!", pumapalatak kong sabi habang umuupo pero sa almusal na nakahain sa mesa ako nakatingin.
"Masarap?..", tanong niya sa akin. Hindi pa siya sumusubo at hinihintay akong sumagot.
"Hmmn... yeah. Masarap siya! Kelan ka pa natutong magluto?", tanong ko kay Nic habang nilalantakan na ang pagkain sa mesa.
"Mahilig talaga ako magluto kaya lang Architecture ang kinuha kong course dahil yun ang gusto ng Daddy. Para raw kagaya niya,", sagot niya sa akin habang kumakain na rin.
"Oo alam ko, what I mean is when did you learn to cook this kind of stuff. This is perfect!.. masisira pagda diet ko nito", puri ko sa kanya.
"Well, thank you... kumain ka ng kumain at ng magkalaman ka ng konti. Tama na yang diet diet na yan. Sino ba ang nagsabi na mataba ka?.. mas bagay sayo ang may laman ng konti. Mas maganda.", sabi niya habang patuloy sa pagsubo.
"Eh di nga ako marunong magluto di ba?", tanong ko sa kanya. Huminto siya sa pagkain at tumingin sa akin.
"Okay, from now on ipagluluto kita. Kaya ampunin mo na ako..", pa cute na sabi niya sa akin.
Natawa ako sa sinabi niya.
"Ayoko nga!..ang lakas mo kayang maghilik..", sabi ko. Biglang tumayo si Nic at lumapit sa akin..
"Aha!, binosohan mo ako habang natutulog ano!..", ganting pang aasar niya sa akin. Hinawakan pa niya ang mukha ko at pinagdikit ang pisngi ko kaya nakatulis ang nguso.
"Heh!... the nerve!..", at pinindot ko naman ang ilong niya. Nagkatawanan kami pagkatapos.
Ako na ang naghugas ng pinagkainan namin habang siya naman ang nagtataob matapos itong tuyuin.
BINABASA MO ANG
Will you love me, again?
RomanceAno ba ang akala mo? Everytime na iiwanan mo ako eh para akong tangang maghihintay sa'yo? I loved you and I still do. But right now, I'm tired. I am tired of being in-love with you... Romance/Teenfiction