Chapter 12 (Lovely you)

4.3K 136 2
                                    

Gaya ng napag usapan ng limang girls, naging very normal ang pagdaan ng mga araw. Nakasanay na si Lupe na itago ang tunay na nararamdaman para kay Nicholas. Mas naging maganda at masaya ang samahan nilang sampu.

Nagpalakpakan ang buong klase ng i- announce ni Mam Tenorio ang gaganaping JS prom. Gown at coat and tie ang napagkasunduang outfit. Pink gown at longsleeve na panloob ang sa boys ng junior at sa senior naman ay blue na gown at blue ang panloob ng boys). Para daw ma identify sila. Sa oval ng school gaganapin ang party.

Dahil first time, super excited ang lahat. Halos di na marinig ang boses ng teacher na nagsasalita dahil nagkanya-kanya na ng kwentuhan ang magkaka-klase.

Nagkumpulan na rin silang magkakaibigan, nagpalitan na sila ng mga ideas kung ano ang mga dapat gawin. Sabi ng mam nila ay may kokoronahan daw na mr and miss JS prom kaya naging mas exciting ang party.

"Dapat tayo lang din ang magkaka partner ha", sabi ni Patrick.

"My Gosh Patrick, di ka pa ba nagsasawa sa pagmumuka ko?..", pa arteng sabi ni Jackie.

"Umaraw man o umulan di ko pagsasawaan tignan ang iyong mukha lalo na ang bilbil mong matataba", patulang pang aasar nito kay Jackie.

Nagtatawa silang sinundan ng tingin ang tumatakbong si Patrick. Hahampasin kasi ito ni Jackie ng notebook na hawak.

"May point naman si Patrick di ba?..alangan namang makipag partner pa kayo sa iba eh andito naman kami!", taas ang dibdib na sabi ni Jason.

"Di naman kayo agrabyado, tong gagandang lalaki namin na to.. pag nagpakipot pa kayo baka maunahan pa kayo ng iba.", kunyaring pananakot pa ni Edward.

"Oo nga, insulto para sa amin yun, di ba Nic?", sabad naman ni Louie.

"Tama!....eh sinu ba ang partner natin?", tanong ni Nicholas.

"Ako kay Jackie ha!", sagot ni Patrick. Nakabalik na ito after mahampas ni Jackie.

"Ako kay Sussy!", sabat ni Jason..

"Ako kay Jean", nakataas pa ang kamay na sabi ni Edward.

"Ako kay Lupe ha...", nagmamadaling sabat ni Nicholas.

"Wala ka nang choice Rosemarie, pagtiyagaan mo na lang ako", sabi ni Louie habang kunyaring nagkakamot ng batok.

Nagtinginan ang limang babae. Kunyari ay nag iisip pa. Maya-maya ay nagtawanan na silang sampu...may partner na sila!..

Will you love me, again?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon