Chapter 21 (with you 3)

3.9K 117 0
                                    

Lupe's pov:

"Haggang hindi nagbo boyfriend si G ay di rin ako maggi girlfriend.", sabi ni Nic. Lumapit na siya sa akin. Nagsibalik naman sa kani-kanilang upuan ang walo.

"Wala atang balak mag asawa yang si Lupe eh. Lahat ng nanligaw puro binasted!", sabi ni Edward. Isang kasamahan niya sa trabaho ang nanligaw sa akin at binasted ko rin.

"Kapag hinintay mo si Lupe malamang tumanda ka ng binata pareng Nic.", kantyaw ni Jason.

"May balak ata maging oldmaid ni Lupe", natatawang sabi ni Louie.

"Ok lang sa akin! I'm with you G'', nakatinging sabi ni Nic sa akin.

''Ako na lang ang taga tulak ng wheelchair niya habang nakatungkod!.", nang aasar na sagot ni Nic.

Nagtawanan kaming lahat sa ginawang pag demonstrate ni Nic sa kunwang pagtulak ng wheelchair habang nakapa kubang uugod ugod.

Ahh, super saya ko sa sinabi niyang yon. Kahit pabiro lang pero para sa akin... pag asa na magiging kami pagdating ng araw.

"Muka mo!… mas matanda ka sa akin noh! Baka ako pa nga ang pagtulakin mo ng wheelchair mo.", galit galitan kong singhal kay Nic.

"O sige… dadalawin na lang namin kayo ni Jackie at ng isandosenang anak namin sa Home for the Aged…", umakbay pa ito kay Jackie.

"Ano ko palahiang baboy!..", sabi ni Jackie sabay hampas ng tablecloth sa muka ni Patrick.

Nagtawanan na naman kami. Matagal ng magnobyo ang dalawa. Away-bati pero, graduation pa lang namin nung highschool ay naging sila na. Hangga ngayon.

"Okay guys, let's drink to our long and lasting friendship and much better future.", sabi ni Jean na nakataas ang kopita.

Nagtunugan ang labi ng mga baso naming hawak ng sabay-sabay namin itong pag umpugin.

Will you love me, again?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon