Chapter 6 (Closer to you)

5.9K 139 0
                                    

Sa paglipas pa ng mga araw ay komportableng-komportable na si Lupe at Nicholas sa isa't isa. Marami ang lihim na naiinggit sa kanya dahil sa kanya lagi nakadikit ang binata. Lalo na si Romina. Gumagawa ito ng paraan upang makalapit at ito na ang nagpapakita ng motibo kay Nicholas. Hindi naman pansin ng binata ang ginagawang pagpapa charming ni Romina sa kanya. Kaya halos pumalakpak ang tenga ni Lupe sa tuwa..

Habang naghihintay ng teacher sa next subject ay umupo si Nicholas sa likod na hanay na upuan. Katapat ng upuan ni Lupe. Ipinatong ng binata ang kanyang baba sa sandalan na inuupuan ng dalaga. Napakislot si Lupe, nag zumba ang puso niya sa sobrang kaba. "G, samahan mo ako mamaya ha", malambing na sabi nito.( G short for Guadalupe). Nangiti si Lupe, nasanay na si Nicholas sa ganung pagtawag sa kanya..."sige, pero sandali lang tayo ha., baka mamaya mag iikot ka pa.", sagot ni Lupe.. Ngumiti si Nicholas at inilagay ang kanyang palad sa tapat ng puso sabay sabi...."sandali lang tayo, promise"..Natawa  si Lupe,.."ang OA mo Kulas", sabi niya.

Naalala ni Lupe, noong una ay ayaw nito magpatawag ng Kulas. Mabantot daw kasi pakinggan. Pero dahil si Lupe naman daw ang tatawag sa kanya ng ganun eh ok na. At saka uso na kasi na kapag pogi ka eh dapat mabantot ang palayaw mo. Syempre dahil nga pogi eh payag na ito sa pet name na Kulas.

Madalas kapag may ginagawa pa ay di na lumalabas ng room si Lupe para mag recess. Ang gagawin naman ni Nicholas ay dadalhan siya ng pagkain at sabay na sila magre recess sa room nila. Ganun na din ang gagawin ng walo pa nilang kabarkada. Sampu sila sa barkadahan nila. Lima ang lalake..,si Louie( ang ESCORT ng klase nila,pogi rin at maputi), si Edward ( ang MVP ng intrams nila), si Jason (ang mahusay mag gitara), si Patrick (ang pinaka kwela) at si Nicholas (ang crush ng bayan)... Lima ang babae si Jackie (makulit pero mabait,pinaka close kay Lupe), si Jean (ang MUSE ng klase), si Sussy (ang SECRETARY ng klase), si Rosemarie (ang PRO ng klase, mataray) at si Lupe (ang matalinong PRESIDENT)..

Matagal ng magkakaibigan ang siyam. Elementary days pa lang ay magkaka kilala na sila. Si Nicholas lang ang bago sa barkadahan nila. Pero dahil mahusay makisama ay parang matagal na rin nila ito nakasama.

Will you love me, again?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon